Paru-paro

61 1 0
                                    

I was on the seventh grade noong nakita ko yung mumunting paru-paro na iyon. Labis yung sayang naramdaman ko knowing na sa braso ko sya lumapat at hindi sa iba.

Na sa dinarami ng tao, sakin sya napunta.

Sa sobrang tuwa ko, inalagaan ko sya. Minahal ng sobra. Itinago ko ito sa isang garapon. Pinakain. Kinakausap. Kinakantahan at ginagawa ko lahat para sumaya yung paru-paro.

Pero kasi parang kulang...

Napansin ko, nabigay ko sa kanya lahat pero wala siyang freedom. Wala syang kalayaan na lumipad. Sayang ang ganda ng kanyang mga pakpak.

Pero kung ibigay ko ang kalayaan nya, baka mawala sya sakin.

Baka kung saan-saan siya lumipad at hindi niya na ko balikan kasi baka makahanap siya ng mas mabait, mas maalaga, mas may malaking garapon at mas magpapasaya sa kanya.

Puro baka, walang kasiguraduhan...

Pinagmasdan ko ang paru-paro. Hindi siya lumalaki. Ang pakpak nya'y bagsak, hindi tulad noon na parang laging handang lumipad. Nanghihina ang paru-paro. Kaya, nakakalungkot man...

Pinalipad ko yung paru-paro...

Noong una, labis ang lungkot na naramdaman ko pero nung tumagal, no'ng nakita ko siyang masaya, tinanggap ko na...

May mga bagay na mas magandang pinakakawalan...

Matapos noon, maraming paru-paro pa ang dumadapo sa bintana ng aking kwarto, sa aking braso ngunit alam kong...

May tamang oras para sa lahat...

Darating ang araw na...

Magagawa ko ng alagaan ng maayos ang aking mumunting paru-paro...

At pag dumating ang panahon na iyon...


Di ko na muli pa syang pakakawalan.

- finish -




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paru-paroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon