Lahat ng tao ay may sariling dahilan kung bakit nila pinili mabuhay sa mundo, kung bakit nila ginawa ang mga bagay na kahit hindi naman nila gusto, para lang mapasaya ang tao na importante sa kanila o nag-bigay ng kulay sa maitim/mapait nilang buhay.
At lahat ng yan napagdaanan ko na.Mahirap man, kinaya ko para sa ikatatahimik ng lahat o di kaya maranasan ko ang isang bagay na mula pag-kabata ay labis ko ng ginusto.Mga bagay na mahirap intindihin.Pero pilit kong iniintindi...
-Simula pagkabata ko ginusto ko nang maranasan ang pag-karoon o kaya maka-angkin ng isang lalaki na mahal ako. In English "I WANT TO HAVE MY OWN BOYFRIEND" at yan ay may dahilan, dahilan na maaari ko palang ikapapahamak na akala ko ay magiging masaya ako.
Litong-lito ka kung anong gagawin mo.Kung kailangan ko bang ipagpatuloy o Kailangan ko ng tapusin ang aking nasimulan...Kung ipag-tutuloy ko may masasaktan at kung ihihinto ko naman may magiging masaya pero ang sarili ko mismo ang masasaktan. WHAT WILL I HAVE TO CHOOSE and WHAT WILL I HAVE TO DO??? ? to STOP or to CONTINUE?