Chapter 1

7 2 0
                                    

Ayesha's POV

Ano ba yan!
Antagal naman ng crush ko!
Kanina ko pa sya inaatay dito sa may gate e wala pa rin!

Dapat nga sa may locker ko siya aantayin kaya lang naalala ko wala pala kaming locker dito.
Well sa public school ako nag aaral.
Sayang nga e kung may locker kami dito sana nasasabi ko na sakanya lahat ng nararamdam ko para sakanya. Sana nagagawan ko siya ng letter para isusulat ko don yung feelings ko sakanya tapos ilalagay ko sa locker nya hehe....

Ganun kasi yung nababasa ko sa Wattpad na ginagawa ng mga babae o lalaki don tapos minsan hindi pa alam ng lalake o babae don kung sino may sulat non tapos pag nakilala na nila yung the one nila malalaman nila na sa the one pala nila yon galing hehe ang galing noh! Sana ganyan din mangyari samin ni crush!

Bigla ko namang nakita yung crush ko.

"Leo!". Tawag ko sa crush ko
Papunta na dapat ako sakanya ng may biglang humalik sa lips nya.

Aba!

Ang kapal ng mukha ng babaitang ito para halikan ang akin!

"Hoy! Sino ka?!". Tanong ko don sa babaeng humalik kay crush.

"Ah im Kea leo's girlfriend. Why?".
Sabi nito.

"Ahm wala! Sige alis na ko!". Sabi ko sabay takbo paalis.

Nang medyo malayo na ako sakanila tumigil ako at tumingin sakanila.
Naaaninag ko pa nama sila.
Nakita kong nag tatawanan sila at may pa kapit kapit pang nalalaman yung babaeng yon kay leo.

Hayss akala ko pa naman hahabulin ako ni leo tapos bigla nyang sasabihin na ako pala yung mahal nya at hihiwalayan nya na yung babaeng yon. Hayss
Sige ayesha mag imagine ka na naman! Ang galing mo e akala mo lahat ng lalaki mag kakagusto sayo!

Hays bakit ba kasi ang dali kong ma fall!!!!!!!!!!!!!

Well naging crush ko lang naman si leo nung.....

Flashback

Natakbo ako ngayon dahil tumawag sakin ang nanay ko at sabi nya ay nasa hospital daw ang bunso kong kapatid.

Kaya naman dali dali akong umalis nang room pag katapos kong mag paalam sa teacher namin na nasa hospital ang kapatid ko at kailangan ako don.

Tumatakbo ako pababa sa hagdan ng bigla akong na mali ng tapak kaya ang kinalabasan ay nahulog ako sa hagdan.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiyak ba ako dahil masakit o tatakbo ulit?

Tatayo na dapat ako ng biglang may tumulong sakin sa pag tayo at sabay sabi nitong......

"Are you alright miss?".

End of flashback

At simula nga non ay na inlove ako sakanya hanggang sa malaman ko yung pangalang nya at i add sa facebook pero hanggang ngayon hindi pa rin nya ako ina accept!

Hmp!

Akala mo kung sinong gwapo!

Mag mmove on na nga ako sakanya!
Ala syang kwenta!

..................................

NANdito na ako sa bahay namin.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at pag pasok ko sa loob ay nakita kong may bisita si nanay at tatay.

Wow! GWAPO TEH!

"Nay wag mong sabihing i aarange marriage nyo kaming dalawa! OMYGHAD nay! Sige payag ako para naman saatin iyon dahil i mmerge ang mga kompanya natin at para na rin magk-----".

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong batukan ni tatay.

"Aray!".

"Nagiging baliw kana naman! Tigil tigilan mo nga ang pagiging baliw mo! Tska ano bang pinag sasabi mong arrange marriage at kompanya! Wala nga tayong kompanya e! At imposibleng i ppa arrange marriage ko saiyo ang kapatid ng magiging asawa ng kapatid mo! Siraulong to!".
Sabi ni tatay.

Aba sorry naman nadala lang!
Kasi naman kanina habang nag lalakad ako nag babasa ako e, andun  na kasi ako sa part na nalaman nyang i ppa arrange marriage sya.

Hays mamaya ko na nga lang tatapusin yon.

Nakalimutan ko palang ngayon mamamanhikan yung magiging asawa ng ate ko.

"Psh". Dabog akong umakyat sa taas namin.

Pumunta na ako sa kwarto ko.

Nag bihis ako ng damit.
Nag suot ako ng sky blue tshirt at white short.

Bumaba na ako para mag hunting ng makakain.

Pag baba ko ay nakitang kong paalis na yung bisita namin kanina.

Didiretso na dapat ako sa kusina ng bigla akong tawagin ni nanay at sinabing mag paalam man lang daw ako sa pamilya ng papakasalan ni ate.

"Ahm sige po bye na po mr&mrs bautista! Ba bye po!". Sabi ko dito at pumunta na ng kusina pero bago pa ako makapunta sa kusina ay nakita ko naman ang tingin ng mga magulang ko na akala mo ay may malaki akong kasalanan na ginawa dahil sa sama ng tingin nila sakin.

Aba ano naman kayang ginawa ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When a Wattpader Fall InloveWhere stories live. Discover now