-A Surprise-

164 24 42
                                    

Nagulat ako nang makita ko siya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin nang makita siya sa isang upuan at my back. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga ang nakikita ko ngayon. It's her. That girl from the other day. Ellah.

Ang sabi niya, transferee raw siya at kae-enrol lang daw niya. Oh no, this means she has the whole school year to sit near me! And I have no idea sa mga maaaring gawin niya, so I confronted her.

"Ba't ba diyan ka nakaupo? Pwede ka naman sa ibang upuan, ah! Marami pa namang bakante," sita ko sa kaniya.

"Ssshh! Manahimik ka nga. Iniistorbo mo ang mga kaklase natin."

Napatingin ako sa paligid. Nakatingin nga halos lahat sa akin. Medyo napalakas din kasi ang boses ko. Never mind! Ibinalik ko ang paningin ko sa kaniya. Ngumiti lang siya pero hindi ko na siya pinansin pa at ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pag-aaral para sa magiging klase namin ngayon.

But she is really irritating and annoying. Hindi pa nga ako tapos sa binabasa ko nang kalabitin niya ako at pabulong na nagsabing lingunin ko raw siya.

"Pahiram ng ballpen. Naiwan ko 'yong akin, eh..." bulong niya.

"Wala akong extra. You shut up."

"Hayst! Wag ka ngang maramot. Pahiramin mo na ako, please?"

Nararamdaman ko ang pagkulo ng dugo ko, but then I found myself giving her my pen.

"Thanks," sabi niya sabay kindat.

Kinilabutan naman ako sa ginawa niya. She's really irritating.

"Hey..."

Bigla namang dumating ang laging late na magpinsang Ryle at Kierth, mga kaibigan ko. Siguro. Hindi kasi ako sigurado kung totoo nga ang pakikipagkaibigan nila sa akin. Baka isa rin sila sa napakarami na gusto akong maging kaibigan dahil may makukuha sila kung kaibigan nila ako.

"Oh, kayo pala," tugon ko saka sila umupo sa mga upuan sa harapan ko.

"Hindi ka talaga pumunta sa birthday ni Cara, huh?" umpisa ni Ryle. I knew it. They're going to ask me about that party I refused to attend.

"I told you, hindi nga ako pupunta..."

"Dude, alam mo bang hinintay ka pa niya ng isa pang oras bago niya pinasimulan ang party niya kasi baka raw late ka lang?" balita ni Kierth.

"Hindi ko na kasalanan 'yon. Alam na niya ang sagot ko. Siya lang naman itong insist nang insist."

"Ang lakas din ng tama no'n sa 'yo. Pinilit pa nga niya kami ni Ryle na tawagan ka para pakiusapan ka na pumunta. And thank you for turning off your phone."

I smirked. Alam kong mangungulit si Cara so I turned off my phone.

"You're welcome."

"Pa'no, babalik na muna kami sa upuan namin. Tatapusin ko lang 'yong assignment ko sa Math. Mabuti't wala pa pala si sir. Sa wakas, nauna rin kami sa kaniya!" sabi ni Kierth, saka tumawa.

"Himala yata? Tiyak magugulat si sir 'pag nakita kayo," himig-biro kong tugon.

"Ang dami kasing tao ngayon sa bahay dahil umuwi ang tita ko na galing Thailand. Nagising ako ng maaga kaya tinawagan ko na itong isa agad," sabi ni Ryle.

"Oh, sana pala maraming tao sa inyo araw-araw..."

Napasimangot naman ito. I just smiled.

"Pa'no, mag-usap na lang tayo after the class," sabi ni Ryle.

Napatango ako saka sila umalis na dalawa.

"Pwede dito ako?" biglang tanong ni Ellah na nasa harap ko na agad at umupo sa isang bakanteng upuan.

Akala ko natutulog siya o may ibang ginagawa dahil ang tahimik lang niya kanina habang kausap ko ang dalawa.

"It's occupied. Do'n ka sa pwesto mo."

"Sus, sandali lang naman. Wala pa namang teacher."

I did not reply kaya umupo na siya. Napailing-iling na lang ako. Saka ko nakitang nahulog sa may upuan niya ang panyo na kanina'y hawak-hawak lang niya.

"Oy! Yong panyo mo, nahulog," sabi ko sa kaniya.

"Hala, pwede paki na lang ako..."

"Nag-aaral ako, wag mo akong istorbohin."

"Naman, ang lapit lang niyan sa 'yo."

"May ginagawa nga ako..."

"Eto naman, para kukunin lang..."

"Duh! Then leave it."

"Hayst, okay! I-remind mo na lang 'yan sa akin mamaya, ha? Baka makalimutan kong kunin."

I was supposed to tell her "Okay", but surprisingly pinulot ko 'yon at ibinigay sa kaniya. And I hate myself – because she's annoying, and it's making me sick!

"Salamat. Ang bait-bait mo talaga..."

"Whatever!"

Saka dumating ang teacher. Tumayo siya't bumalik na sa upuan niya sa likuran.

And it's 8:05.

Time Spent With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon