(The Mortal)
Nanginginig pa ang kamay ko habang nakatitig sa katatanggap ko lang na reply mula sa isang publishing consultant. It's been a month since nagpasa ako sa kanila ng book proposal at kung hindi ko pa sila kinulit for a feedback, baka siguro hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako.
'Good day! I am Elizabeth Martinez, a consultant from Bel Esprit Publishing.' Full of enthusiasm pa ako nang simulan ko ang pagbabasa pero habang papalapit na sa dulo ng message niya, unti-unti ring gumuho ang mundo ko. 'Your story is good, but I'm afraid this is not what our publishing is looking for.'
She also pin-pointed the reasons why they think my book won't sell in the market. Bukod daw sa masyado nang cliché, iba na kasi ang gusto ng mga mambabasa ngayon.
Ang dami pa niyang pampalubag-loob na nilagay—na kesyo may potential naman daw ako bilang writer at magaganda ang ideas ko. But for the nth time, rejected ang gawa ko.
Well, screw it!
"Ayoko nang magsulat!" isinigaw ko sa sobrang pagkadismaya, but I don't really mean it naman. I just had to find a way to release my frustration kaya tamang-tama, ang daming tissue paper sa harapan ko.
"Miss, sinasayang niyo po ang tissue namin at nakakaistorbo pa kayo sa iba. Baka pwedeng ipagamit niyo na sa ibang customers namin ang upuan at lamesa."
Napatingin ako dun sa babae, from head-to-toe-to-head ulit. "FYI, customer rin ako. See this bottle of water and crackers? I bought these here!"
"Yun na nga po. 'Yan pa lang ang nabibili niyo mula pa kaninang umaga. Hapon na ngayon!" Pagsusungit nito at may huling hirit pa, "At least man lang, pakidagdagan yung bibilhin para sulit naman ang libreng charge niyo ng laptop at paggamit niyo sa wifi ng shop namin."
How dare her! Adding fuel to my fire! Dinukot ko nga ang wallet ko sa bag at nang maisampal ko sa pagmumukha niya ang cash na meron ako. Kaso, naalala kong wala na nga pala ako nun.
"Ano miss, may bibilhin ka pa ba?" At bilang ganti niya, ako naman ang tinignan niya from head to my wallet to my head ulit. "May pambili ka pa ba?"
Asar-talo ako pero wala na rin naman akong magagawa. Inirapan ko siya at sinimulan nang mag-ayos ng mga gamit. Ngunit bago ako umalis, "I will never come back to this shop again. Bulok!"
I never sounded so bitter in my entire life but at times like this, there's only one place to go. My temporary home.
Umuwi ako sa isang maliit at puchu-puchung apartment. Kinailangan ko pa ngang magmukhang akyat-bahay dahil sa bintana lang ako dumaan. Pinagtataguan ko kasi ang landlady namin dahil two months na akong hindi nakakapagbayad ng upa.
Pagpasok ko sa loob, una kong sinilip ang cellphone ko na karaniwan kong iniiwan sa tuwing umaalis ako. Bumulaga sa akin ang ilang missed calls mula kay Myrtle, younger sister ko.
As I call her back, I also tried to sound as calm as possible, "Hello Myrtle, nakailang missed calls ka sa akin. Hindi ba sabi ko ako lang ang tatawag sa'yo? Is everything okay?"
"So it's really you."
Laking gulat ko nang hindi ang sister ko kundi isang malalim na boses ng lalaki ang sumagot sa kabilang linya. Of all people, bakit siya pa? My father. Bummer!
"Where are you?"
And I knew he would ask that first. But as a writer, matagal nang naka-ready ang linyang isasagot ko, "If I were to tell you my location, ano pang point ng paglalayas ko?"