Hi ako nga pala si Alex , isang biker .
Pauwi kami ng tropa galing sa road trip ng malaman ko na nawalan pala kami ng preno
"Tol ! mag-ingat ka at marami ng nadidisgrasya dito sa lugar nato" sabi ng isa sa mga kasama ko , si Jeff .
Si Jeff ay kababata ko , kasama ko na sya dati pa noong kaming maliliit palang , mapa katarantaduhan at kalokohan andyan sya para sakin . Halos pati pag ligo magkasama na kaming dalawa , Hobby din nya ang pag momotor kagaya ko kaya palagi kaming magkasama .
"Ok lang yan , Magtiwala ka saken tol , matagal nakong nagmomotor" - sabi ko kay Jeff
"Ikaw ang bahala tol basta ako sinabihan na kita" - Jeff
"Magtiwala ka saken bro . Ni isang beses ba nakita mo na akong maaksidente tol ??" - Alex
"Alex ang akin lang tol , baka kasi mapahamak ka" - Jeff
"Nako brad , nababakla kana ata e hahahaha" -Alex
Noong araw nayun ay akala ko di ako mapapahamak kasi madalas na akong nawawalan ng preno pero wala naman nangyayareng masama hanggang sa nangyare na nga na tumilapon ako sa motor dahil sa kawalang balanse .
"Tangina tol , ayan na nga ba sinasabi ko sayo e" - Jeff
"Aray ! nabalian ata ako ng Braso pre"-Alex
"Kaya mo bang tumayo pre?"-Jeff
"Intindihin mo muna Motor ko tol tignan mo kung nagasgasan" -Alex
"Gago ka talaga pre! Saglit lang tatawag ako ng ambulansya"-Jeff
Noong araw na yun ay Nabalian ako ng buto sa tuhod at sa aking braso kaya hindi ako makatayo . Isang buwan ako mahigit sa ospital at ipinagbawal sakin ng doctor ang pag galaw ng sobra kailangan ay palagi lang akong nakawheel chair pag lalabas at dapat ay may kasama ako palagi . Thankful ako kase lagi kong kasama si Jeff sa mga oras nayun at Naging kaibigan ko pa ang Nurse na laging nagmomonitor sakin , Si Neji . palagi ko syang Binibiro na "DOCTOR NEJI" dahil parang mas magaling pa sya sa doctor kung magsalita at mas alam nya daw yung karamdaman ko . 3 kami noon sa Room 202 ni Neji at Jeff at nagkukwentuhan .
"Alam mo Alex alam ko yang karamdaman mo e" -Neji
"Yan nanaman Doc Neji , ano sa tingin mo bukod sa Pilay" - Alex
"Mayroon kang Love-nat , tas wala kang Girlfriend" -Neji
"Burn ! brad wasak tumawag kayo ng Bumbero !"-Jeff
"Ang dami mo talagang kalokohan HAHAHA"-Alex
"Tara na nga Labas muna tayo punta tayong 7/11 at baka makakita kang Forever mo Lex"-Neji
"Takte ka ? mukha bakong makakatayo ?"-Alex
"Sira !! syempre nakawheelchair ka"-Neji
"Parang ngayon lang ako makakakita ng gagamit nung wheelchair lane dun sa may 7/11" - Jeff
"WheelChair lane??"-Alex and Neji
"Oo yung hagdan dun ng Wheelchair?" - Jeff
"Wheelchair lane bayun ?"-Neji
"Osya tara na nga HAHAHA may kakaibang Words na naiimbento si e" -Alex
Papalabas kami ng ospital nun at itinutulak ako ni Neji at kasama namin si Jeff , nadaan kami sa Emergency Room dahil meron daw babaeng nahimatay , habang itinatakbo yung babae ay nakita ko yung mukha na , Ang ganda nya kahit nakahiga sya doon . Alam kong napakaweird na magandahan ako sa babaeng isinusugod sa emergency room pero brad ! ang ganda nya no ?! masisisi nyo bako ?
"Neji ? Jeff ? Nakita nyo bayun ?"-Alex
"Ang alin?" -Jeff
"Kitang kita ko ang ganda nung Nurse , wait pakilala kita , Angel !" -Neji
"Tangeks hindi yun !"-Alex
"Sya lang naman nakita kong maganda e " - Neji
"Tangeks yung babaeng nasa Stretcher!" - Alex
"Ay potek ka ! kakaiba yung mga babaeng nagugustuhan mo ah" - Jeff
"HAHAHA ano feeling mo ngayon ! sya sleeping Beauty mo ?" - Neji
"Loko , ang ganda nya kase e " -Alex
"Tara na nga Prince Charming pupunta pa tayong 7/11" -Jeff
"Alright Lover boy ! tara na andyan padin sya hanggang mamaya mukhang nadamage nadin ulo mo e"-Neji
Noong mga oras nayun pagpunta namin sa 7/11 ay di mawala sa isip ko yung babaeng nasa stretcher . As in sobrang ganda nya . Alam nyo yun , yung parang si Snow White na nahiga sa Kagubatan . Parang gusto ko pa tuloy mapilayan HAHAHA .
BINABASA MO ANG
My Hospital Love
RomanceHi my name is Alex Jupiter at mayroon akong nakilalang isang babae sa Ospital na pinagdalhan saakin noong ako'y naaksidente , Gusto nyo bang nalaman yung kumpletong ditalye ? basahin nyo itong librong ito at malalaman nyo :)