He's Back! (One-Shot Story)

124 3 0
                                    

Nang imulat ni Aria ang mga mata nya, unang nyang napansin na nasa loob sya ng isang puting kwarto, pinagmasdan niya ang nakapalibot ng mga bagay na naroroon sa kwarto nya. Dun nya napansin na sa kaliwang parte may isang maliit na pulang sofa na puno ng nagkalat na mga damit, maliit na mesa sa gilid ng kanyang kama na may nakapatong na vase puno ng bulaklak at basket na puno ng prutas, sa kanang bahagi, doon nya nakita ang mga aparato na nakakabit sa katawan nya, ang dextrose na nakatusok sa hintuturo ng daliri nya, oxygen tank na may oxygen tube nakalagay sa kanyang ilong at ang VCG na pinupuno ang tahimik na kwarto ng ingay dahil sa walang tigil nitong beep.

"Aria!"

"Anak!" Yan ang gulat na tawag ng mga magulang ni Aria, at mga kaibigan nya na sina Yuki,Fier at Damian ng makita si Aria na gising na sa pagkakatulog sa mahabang panahon.

"Aria, anak kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba?" alalang tanong ng kanyang ina habang hinihipo ang kanyang ulo. Dun lang napagtanto ni Aria na ang ulo nya pati ang kanyang mga kamay at paa ay nababalot pala ng mga bandages.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito? Asan si Rio? Gusto ko sya makita!" sunod-sunod na tanong ni Aria. Ngunit ni isa sa mga tao naroroon, walang naglakas ng loob na magsalita para sagutin ang mga tanong ni Aria.

"Ma! Pa! Asan po si Rio?" pagmamakaawa ni Aria sa mga magulang nya. Ngunit malungkot na na ekspresyon lamang ang tanging naisagot ng kanyang mga magulang.

"Yuki, Fier, Damian, Asan si Rio? Bakit wala sya dito?!" baling naman ni Aria sa mga kaibigan nya na kanina pa nakatungo at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha nila. Halos mangiyak-ngiyak na si Aria sa ipinapakita nilang emosyon.

"Anak, naaksidente ka, Car accident, magiisang taon na ang nakakalipas, hindi mo ba natatandaan? halos isang taon kang walang malay, sa madaling salita na-comatose ka dahil sa aksidente nyong dalawa ni Ri-nya." Nangunot ang noo ni Aria ng hindi tapusin ng mama nya ang pag banggit ng pangalan ng taong mahal, kaya mas lalo nyang ginusto na malaman ang kalagayan nya.

"Ma, ba't ayaw nyo banggitin ang pangalan ni Rio? Anong problema? Galit ba kayo sakanya dahil sya ang may kasalanan kung bakit dahil naaksidente kami? Please wag po kayo magalit sa kanya wala syang kasalanan, aksidente lang po yun. Please na mamakaawa ako sainyo papasukin nyo na po si Rio, gusto ko na po sya makita." Pagmamakaawa ni Aria sa harap ng kanyang magulang habang wala tigil ang pag agos ng mga luha nya.

Sampung minuto na ang nakalilipas wala pa ring sumasagot sa mga katanungan ni Aria tungkol kay Rio. Tanging hikbi lamang nya ang naririnig sa loob ng maliit nyang kwarto hanggang may tumapik sa balikat nya yakapin sya ng mahigpit at sabihin ng paulit-ulit ang mga katagang patawad.

"Patawad Aria, ginawa naming lahat ng makakaya naming maligtas lang sya, patawarin mo kami Aria. Please wag ka nang umiyak." Pagtatahan ng matalik nyang kaibigang si Yuki habang hinahaplos-haplos ang kanyang buhok.

"Bakit ka humingi ng tawad sakin? Atsaka bakit ka umiiyak din? Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Ipaliwag nyo sakin kung ano ang nangyayari!" litong tanong ni Aria.

"Aria, masakit man sabihin pero wala na si Rio." Malungkot na pahayag ni Yuki sa kaibigan.

"Anong ibig mong sabihin na wala na si Rio? Bakit saan sya pumunta? Galit ba sya sakin dahil matagal akong natutulog dito? O baka naman na-comatose din sya? Please dahil nyo ko sakanya, gusto ko sya makita!" pagmamakaawa ni Aria sa mga kaibigan at magulang, halos lumuhod na sya at yakapin ang lahat sabihin lang sakanya na mali ang iniisip nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Back! (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon