Story? Gusto niyong story? Ahh.... wala ako masyadong makukuwento, lalo na sa buhay ko. Isa lang akong tambay, walang mahanap na trabaho, sa edad ko ba namang 29, wala ng tatangap sa akin lalo na’t undergraduate din ako. Kaya eto, ngayong Pasko, naka upo lang ako dito sa paborito kong tambayan, sa isang bench, malapit sa railway ng tren, pinaglalaruan at tino-toss itong coin na lagi kong hawak. Pero.... di ko akalain na sa isang iglap magbabago ang buhay ko, ngayong Pasko, ang lahat lahat. Siguro ikuwento ko narin ang buong nangyari habang inaantay ko “siya”. (Flipping coin)
Ang simula . . . . . . .
(flashback effect)
“Kapag hindi ko to ginawa, parehas kaming mamamatay!”
(may kinuha sa loob ng kanyang damit, sa bandang leeg...at sabay kinagat)
~ Earlier Today, December 25 @ 7:07am ~
“Eto na ba?”
Di ko alam nung mga oras na iyon kung bakit ako napunta sa bench kung saan galing din ako kanina, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nag piflip ng coin. Ang sabi ko sa sarili ko, eto na ang huling araw ko sa mundong ito, kaya gagawin ko ang lahat, mapasaya ko lang ang sarili ko. At eto na nga, wala pang ilang minuto, nakita ko na ang pinakapakay ko sa huling araw ko, ngayong Pasko. Isang babae, lumalapit sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya, gusto kong matitigan siya ng matagalan at matandaan ang mukha niya. Pero laking gulat ko nang bigla niyang kinuha ang coin na tino-toss ko at sabay takbo.
Mahalaga ang coin na iyon sa akin, mula nung pinanganak ako ay nasa akin na iyon. Ginawang kwintas ito ng aking mga magulang noong ako’y bata pa, mula noon lagi ko na siyang suot sa aking leeg. Pero mas gusto ko siyang hawak hawak, dahil mas gusto ko siyang pini-flip sa ere, ewan ko, pero narerelax ako kapag lagi kong ginagawa ang pag flip ng coin.
Balik tayo sa kwento. Di ko kaagad siya nasundan dahil natulala pa ako ng mahigit 10 seconds sa kanyang ginawa. Makalipas ang 10 seconds dali dali ko kaagad siyang hinabol. Maraming tao sa daanan dahil sa mga taong mamimili sa mall, plaza, etc. kaya nahirapan akong habulin siya. Pero nakagawa ako ng paraan para maabutansiya. Nahuli ko siya sa bandang likuran, niyakap ko siya sa kanyang likuran ng mahigpit para hindi na siya makawala.
“Aaaaaaaaa----“
Napahinto ang sigaw nito dahil natakpan ko kaagad ang kanyang bibig.
Magsasalita palang sana ako sa kanya ng ‘wag maingay’nang mapansin kong . . . . . nawala ang maraming tao sa paligid. Yung mga kaninang namimili, nawala lahat ng parang bula.
“Huh? . . . Anong nangyari dito? Kanina....”
Di pa man ako tapos magsalita, bigla nalang nagsalita ang babae
“Nangyari na. Ginamit na ang ‘Snow Ring’....”
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ipapa ulit ko sana ang kanyang sinabi ng bigla niya nalang akong hinatak at sabay tumakbo papaalis salugar na iyon. Malayo layo na ang natakbo namin pero hawak parin niya ang kamay ko. Di naglaon huminto rin siya sabay hingal na hingal.
“Ano bang nangyari? Anong ‘Snow Ring’? bakit nawala lahat ng mga tao sa plaza kanina?”
Hingal din ako habang tinatanong ko sa kanya ang mga iyon pero iba ang kanyang sagot.... sadyang iba talaga.
“December! December ang pangalan ko, Dydy for short. Wala akong time para i-explain yan ngayon, kaya tara na---- arggg gutom na ako....BILIS!”