"MISS, wala na bang leche flan?"
Napangiti si Andie nang lapitan siya ng isang bata—na sa itsura ay hindi na mukhang bata. Isa ito sa mga flower girls pero mukha nang little bridesmaid dahil sa laki at katabaan. The girl's face was innocent but she could see the little devil in her eyes. Charming kung ngumiti kaya naman may instant fondness din siya dito.
Isa pa, sanay na siya sa sangkatutak niyang pamangkin sa mga kapatid at pinsan kaya natural na ang pagkagiliw niya sa mga bata. At bukod doon, parang nakikita niya sa bata ang itsura niya noong kasing-edad pa siya nito. Di-hamak na mas mataba pa nga siya. At nakaka-relate siya sa interes nito sa pagkain. Sa totoo lang, baka nga mas matakaw pa siya noon.
"Gusto mo pa?" tugon niya dito. "Baka naman sumakit na ang ngipin mo. Puro sweets ang kinakain mo. Ayaw mo ba ng fresh vegetable salad?" Inilapit niya dito ang bowl. "Masarap ito. Healthy pa. Come on, try it."
Nalukot ang ilong ng bata at parang hindi pagkain ang pinag-ukulan ng tingin. "Kambing lang ang kumakain ng damo."
Napanganga siya.
"Narinig ko iyon, Twinkle," sabad ng isang tao na lumapit sa kanila. "Masama iyon, hindi ka dapat nagsasalita ng ganoon."
"Daddy!" may takot na sambit ng bata.
"Say sorry to her," utos nito.
Tila umamong parang tupa ang bata nang tumingala sa kanya. "Sorry, miss."
Ngumiti naman siya. "It's okay. So leche flan talaga ang gusto mo?"
"Don't indulge her," wika ng ama nito. "She had enough." Inabot na nito ang balikat ng bata. "Come on, Twinkle. Hinahanap ka ng Tita Tricia mo. Sige, miss," kaswal na lingon nito sa kanya at humakbang na.
"Suplado," pabulong na wika niya. Matalim na matalim ang irap na ginawa bago binalingan ang trabaho niya. Inutusan niya ang isang staff na maglagay pa ng pagkain sa mesa. Tapos na ang kainan subalit may ilan pang bisita na bumabalik sa buffet table.
"Ate Andie, sabi ni Ate Vicky, nasa limit na iyong pagkaing nailabas," ani Precy na bantulot sumunod.
"I know. Alam naman nila na may extra charge na. Sige, maglabas ka pa ng dessert at finger foods. Ate Vicky!" tawag niya sa panganay na kapatid. "Dito ka muna. Magsi-CR lang ako."
Tumaas ang kilay ng kapatid niya. "Magre-retouch ka? Nakita kita kanina may kausap kang lalaki. Ang guwapo, ah! At kilala ko iyon. Bagay kayo."
Umismid siya. "Tumahimik ka riyan. Guest iyon. Lahat naman sa iyo, familiar ang mukha."
"Eh, di ba, perfect na hunting ground ang mga kasalan para makahanap ng mapapangasawa? Isa pa, Baguio ito. Sa aming mga negosyante dito, halos kilala na namin ang isa't isa." At ngumiti ito nang makahulugan. "Kilala ko ang lalaking iyon."
"Utang-na-loob!" pikon na wika niya at tumalikod na.
Pagpihit niya sa direksyon ng CR ay nakita niyang muli ang lalaking ama ng flower girl. Nasa grupo ito ng mga abay at tila nagkakatuwaan sa pinag-uusapan. Hindi man sinasadya ay napatitig siya dito. He seemed having a good time. Kung makatawa ay parang huling pagtawa na iyon.
"Hindi na mukhang suplado," saloob-loob niya.
At guwapo nga. He looked the very picture of good health and success. The kind of man you might see pictured in GQ. The kind of man whose charm was effortless and completely ingrained.
"Hmp!" ingos niya nang mapansin ang tinatakbo ng isip. Tila guilty pa na bumilis ang hakbang patungo sa CR.
"Miss!"
![](https://img.wattpad.com/cover/198958374-288-k852212.jpg)
BINABASA MO ANG
Wedding Girls Series 08 - ADRIENNE BLYTHE - The Caterer
RomanceI'll tell you that I love you because I want you to be beside me every morning that I wake up and share each breakfast together. I'll tell you that I love you because I want to spend the rest of my life with you. Andie, that's how I really feel righ...