Spring Day

29 4 4
                                    

Spring Day - Oneshot
written by: shielamaemarino

"I wanna hold your hand and go to the other side of the earth to end this winter. How much longing has to fall like snow, for the spring days to come?"

                            -Bangtan Sonyeondan

Kimberly's POV

"Oy Gukk, lumalakas na yung ulan oh." sabi ko habang pinapakiramdaman ang patak ng ulan sa palad ko. Linahad din nya ang palad nya at ginaya ang ginawa ko.

"Oo nga." tugon nya at tumingin sakin. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa parte ng deck na may bubong. "Tara doon. Baka magkasakit ka." sabi nya habang hinihila ako. Napangiti nalang ako habang hinahayaan syang hilain ako.

Nagkukwentuhan kami tungkol sa probinsya nyang pupuntahan namin. Sa tingin ko ay malayo-layo ito dahil kinailangan pa naming sumakay ng barko at tumawid ng dagat para marating iyon. Tumatawa lang ako sa mga kwento nya. Minsan ay namamangha din kapag dinedescribe nya ang lugar kung saan sya pinanganak.

Maya-maya ay bigla kong naramdaman ang bahagyang pag-alog ng buong barko. Napatingin ako sa dagat at nakitang malalaki na ang alon. Malakas na ang ulan at nagsisimula naring lumakas ang hangin. Nakaramdam ako ng kaba at napakapit ako kay Jungkook. Natatakot ako. Ang daming posibilidad ang pumapasok sa isip ko. At wala akong gugustuhing mangyari na kahit isa man sa mga naiisip ko.

Nagsimula ng magpanic ang mga tao. Nagtatakbuhan na sila at nagkakatulakan pa para makakuha ng life vest. Pumapasok na ang pinaghalong tubig-dagat at tubig galing sa ulan sa loob ng barko. Naramdaman ko nalang ang paghila sakin ni Jungkook at ang mahigpit na hawak nya sakin habang pilit syang naghahanap ng daan.

Pero dahil sa dami ng tao, nabitawan nya rin ako sa kabila ng mahigpit na hawak nya. Mabilis kong linibot ang aking paningin para hanapin sya. Pero hindi ko sya makita dahil sa dami ng taong tumatakbo sa iba't-ibang direksyon. Dahil sa nakikita ko ay lalo akong nagpapanic. Sa sobrang kaba ko ay parang gusto ko ng umiyak. Umaalog ang barko at may nagliliparan ng gamit. Ang ibang bahagi ng barko ay nasisira na. Merong parte ng railings na naputol na. Kapag nagkamali ka ng lapit doon ay mahuhulog ka sa maalong dagat. Tumakbo ako sa kung saan habang natingin parin sa paligid. Basang-basa na ako at di ko narin alam kung ilang galos na ang natamo ko dulot ng mga natatarantang mga tao at mga sirang bahagi ng barko.

Binalot ako ng takot ng may makita akong kamay na nakakapit sa may sirang railings ng deck. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong tao ito na pilit sinasalba ang sarili laban sa mga alon at malakas na ulan. Wala man lang pumansin sa kanya o nag-abalang tulungan sya dahil abala ang bawat isa sa pagligtas sa mga sarili nila. See how people became selfish when they are in danger? Hindi na ako nagdalawang isip at agad akong tumakbo para tulungan sya.

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko ng maaninag ko ang muka ng taong mahuhulog na sa dagat. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng mabilis na pagragasa ng mga luha ko. Agad akong naghanap ng makakapitan at linahad ang kamay ko kay Jungkook.

"Guk, humawak ka. Wag kang bibitaw, please." naiiyak kong sabi habang mas binababa pa ang kamay ko para maabot nya. Halatang nahihirapan na sya sa kalagayan nya. Natatakot ako para sa kanya. Nanginginig na sya at basang-basa narin dahil naaabot na sya ng mga alon. Ng lumingon sya sakin ay may ngiting sumilay sa kanyang labi. Mas lalo akong napaiyak.

Dahan-dahan syang kumapit sa kamay ko. Agad ko syang sinubukang iangat pero di ko magawa, masyado akong mahina. Tumingin ulit ako sa kanya habang patuloy parin ang aking pagluha.

"Wait lang. Susubukan ko ulit, Guk. Just hold on." sabi ko saka sinubukan ulit syang iangat. Pero di ko talaga magawa, nakakainis. Natatakot na ako dahil nagiging madulas na kamay ko dahil sa ulan. Baka mabitawan ko sya.

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon