Untitled Story Part

37 4 1
                                    

This story is purely a fictional ..

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasubukan nyo na bang magka crush ??? Oo naman syempre.XD

Ako kasi may crush ako ,kaso lang ang layo layo niya ..hndi naman sa nasa ibang lugar sya kumbaga ang hirap niya lang ma-reach ..

Ako nga pala si Rian Asaje .16 yrs.old 4th year highschool ,at isa po akong Nerd ,Lagi kong suot ang makapal kong eyeglasses at buhok kong laging nakapusod..Nag-aaral ako sa Sanma Highschool isa itong private school .Nag ka-crush ako sa isang gwapo,mayaman,hearthrob ng school at star player ng basketball team namin..Siya ay si Rayle Steven Mendrez.

Nsa kanya na yata lahat,mabait at palangiti pa  ..

Halos araw-araw may nagbibigay sakanya ng mga regalo galing sa mga studyanteng nahuhumaling sakanya,tinatanggap naman niya ito..Hndi siya selfish at snobber.Di katulad ng iba ,gwapo nga ang sama namn ng ugali.

Marami syang goodside kaya naman nagustuhan ko sya agad..Eh sino naman kasi ang hndi ..Gwapo na mabait pa.

Kaso di ko siya malapitan ..Hndi naman sa hndi ako pwedeng lumapit kaya lang ..Nahihiya ako sakanya eh .. Ang gwapo niya tapos ako isang hamak na nerd lng,naisip ko nalng na di tlaga kmi bagay . Parang langit sya lupa naman ako.Tanggap ko naman yun .Ayos na sa akin na pag masdan sya sa malayo .Makita ko lang siya buo na araw ko.^__^

Pero minsan hndi talaga maalis sa isip ko na pangarapin siya .Hndi naman yata masamang mangarap eh.

Eto ako ngayon .Tinitignan lng sya sa malayo..Lagi ko syang pinagmamasdan lalo na't pag naglalaro sya nang basketball ,Manghang mangha talaga ako sa galing nya ..

Nasa gym kaming mga studyante dahil may magaganap na labanan sa school namin at sa kabilang school .Actually hndi ako mahilig sa crowded place .Pero hndi ko papalampasin to lalo na't ang maglalaro ay si crush..Nakaupo ako sa unahan.Kaya kitang kita ko talaga sya *^_____^*

Tinawag na ang magkakabilang Team

Unang tinawag ang kabilang team, maraming nagsisigawan .Tapos ay tinawag ang team nila Rayle,syempre maraming na huhumaling kay Rayle kaya namn sigawan tlaga ang mga babae at halos di magkamayaw ang ingay sa loob ng gym .

Si Rayle namn ay nakangiti lang.Binigyan niya ng matamis na ngiti ang mga babae .Nagsisigaw naman sila sa kilig .

Nakita ko siyang palinga-linga na para bang may hinahanap.Tapos tumingin siya sa gawi ko.

Namamalik mata lng ba ako ??pumikit-pikit pa ako,.  Kasi nginitian nya ako .^,^nagdadalawang-isip ako kung ngingitian ko din ba sya ,malay mo baka di pala ako yung nginitian niya.Nginitian ko na lng din sya kahit di ako sigurado kung ako ba talaga yun, tumingin ako sa likod bka nga may nginitian sya dun dhil impossible namang ako ;binalik ko ulit ang tingin ko sakanya ngunit di na siya nkatingin.

Magsisimula na ang laban kaya naman lahat na ay seryoso.Maski si Rayle ay naging seryoso na din .

Unang naka puntos ay ang team nila Rayle .Tuwing nkaka shoot si Rayle ay hiyawan namn ng mga estudyante .Makikita mo talaga ang teamwork sa kanila at di mo talaga mapagkakaila na magagaling sila ngunit dapat wag sila masyadong kompyansa dahil mukhang may ibubuga din ang mga kalaban.

Ilang minuto pa ay huma-habol ang kabilang team .Kaya naman mas umiinit na ang laban.. nsa kabilang team ang bola at kaya namn mahigpit na depensa ang binibigay ng team nila Rayle..Nag tutulungan talaga sila, hinabol nila ang lamang na puntos sa kalaban kaya sa huli sila Rayle pa rin ang panalo..

Marami namang bumaba sa cubicle at pumunta sa court ..maraming bumati sa pagkapanalo nila at natutuwa din ako dahil sila ang nanalo.

Lumabas na ako sa gym .Sapat na sa akin na makita syang maglaro natutuwa din ako dahil sila ang nanalo.Pero di maalis sa isip ko,kung ako ba talaga yung nginitian niya.Eh ano naman kung ako ba talaga yun di lang namn ako ang ngini-ngitian nya eh.Iba kasi yung feeling eh para bang nanaginip ka lng .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

''CRUSH KITA''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon