Kabanata 3
Hindi maipagkakaila na sa laki ng office ay halata ang yaman nito. The whole room is covered in a mix of white ang black. Sa kanan ay ang kanyang desk. Sa likod nito ay ang logo ng kompanya niya at sa magkabilang gilid ay lamesa na naglalaman ng mga certificates at award niya.
Napaisip ako. Sa estado niya sa buhay ay madali siyang makakahanap ng mapapangasawa. He can download a dating app. Marami naman doon. But I l know it's a matter of luck.
Dumating ang kanyang secretary at nilapag ang dalawang bento box sa lamesa.
"Let't eat first."
"I'm not here to eat." Simple kong sinabi.
Kahit gutom ako ay mas importante sa akin na mapag-usapan na ang invitation. Kailangan kong magmadali dahil alam kong ngayon palang ay gumagawa na ang aking ama ng plano niya para mapasara ang kompanya ko.
"I know. But let's eat. Hindi gagana ang utak natin kapag pareho tayong gutom."
"My brain works perfectly fine even without food."
"That's not true, Ms. Perez. In fact out brain functions because of food." Aniya at binuksan ang isang bento na nakaharap sa akin. Kaagad ko naman nalanghap ang mabangong pagkain. Nilagay niya ang tissue sa gilid at nilapat ang mga kubyertos.
"I'm fine you can eat. Maghihintay na lang akong matapos ka."
"Well then..."
Nagsimula siyang kumain. Adobong manok ang ulam at may chopsuey na kasama. May sabaw rin na mukhang masarap. Nang humigop siya ay mas lalo akong natakam. I look away so I don't get too tempted by the food. I just continue what I'm reading not long ago.
"Do you have allergy?"
"What?"
"You keep on scratching your nose."
"Just eat your food so we can start." Sinabi ko na lang that's because I was too tempted by the smell of the food.
"Sure kang hindi mo kakainin?" Tanong nito ng may pag-aalinlangan. He pointed the bento infront of me.
I was staring at it for a second. I gulped so hard. Nakakagutom talaga. Luckily, my stomach didn't betray me or I would have been embarrassed.
Binaba niya ang kanyang kubyertos. Kinuha niya ang kutsara at inabot sa akin paharap ang handle.
"Eat your food, or do you want me too feed you instead?"
"Excuse me? Ano ako bata?!"
"Then eat." Malumanay niyang sagot.
"Hindi nga ako gutom." Mariin siyang pumikit.
Handa na muli akong ipagpatuloy ang sasabihin ng biglang tumunog ang tyan ko. Halos gusto kong lumubog sa couch sa sobrang kahihiyan. Sa harap pa talaga niya na matindi kong tinatanggi ang sariling hindi nagugutom. Ayokong makita ang reaksyon siya dahil sigurado akong tawang-tawa siya sa'kin.
He started opening the bento. "I'll reheat this first. Medyo malamig na kasi."
"N-no. It's fine." Agap ko.
"It's not fine to me. This will just take a minute. Don't worry."
While waiting, I roamed my eyes once again in his office. High ceiling ito at may malaking chandelier sa gitna. There's another door at the side that would be probably comfort room.
"Your office looks nice." I blurted out. It looks cozy. Hindi mo aakalaing office. It feels homey too somehow.
Sumaglit siya ng baling sa akin. "Thanks. I get that compliment a lot."
![](https://img.wattpad.com/cover/24322726-288-k932157.jpg)
BINABASA MO ANG
A Wife's Sacrifice
General Fiction(ONGOING- NEW VERSION) Maria Sofia Clarisse Perez has everything that could shout for. Money, luxury and fame. May nagawa lang siyang hindi nagustuhan ng kanyang ama kaya bilang parusa ay gusto nito na ipakasal siya sa taong sa tingin niya ay hindi...