#9

13 0 0
                                    

October 04,2012

Dear Wattpad,

Half day lang kami ngayon, :) kasi WORLD'S TEACHER DAY :DD

Ngayon, ang daming nangyari na hindi ko nagustuhan, siguro dahil inumpisahan ko ang monday ko na masaklap. 

Ang sama talaga ng loob ko ngayon tapos ang bigat sa pakiramdam ayaw ko pa nga sana umuwi kaso lang may kanya-kanya silang practice. Ang dami namin projects ngayon super. tapos halos lahat presentation like powerpoint, play and reports. Anu ba yan -.- ayaw ko pamo ng group projects kasi naman ako din nun lahat ang gagawa. Kainis lang. 

Hayy,, in-announce na ang top ranking sa amin ngayong 1st quarter alam mo ba kung pang-ilan ako?? 3rd lang naman... katulad ng dati.

Pero alam mo ba nalulungkot ako kasi hindi naa-appreciate ni mommy yung pagka pasok ko sa Top 5. Naiiyak ako.. Kasi naman kahit na pang-third lang ako pinaghirapan ko parin yun no. Kaya nga gusto ko na agad mag-college para wala nang top-top. 

Bad mood ako today pero tignan ko nalang mamaya kung may magandang mangyayari kasi uuwi ngayon si sis eh sana naman di kami mag-away ngayon.. '.'

 Pero alam mo ba pagkatapos nun kasi umalis sila mommy tapos pag-uwi niya binili niya ako ng ice cream and chocolates. Alam ko naman na parang peace offering na un ni mommy kilala ko si mommy alam niya kasi kapag nagtatampo na ako tapos ayun okay na ulit kami :)

                                                                                                         MONSTERRchii

Diary KO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon