Encountering Death

129 7 6
                                    

Encountering Death

Everyone of us has a dream. We have a dream that we want to reach. That dream is our motivation to live. Just like everybody, I have a dream. And that dream will happen tomorrow.

"Yaaay, Miracle! Ang ganda ng gown moo!" masayang sigaw ng kaibigan kong si Janine habang tinitingnan yung picture ng gown ko.

"Oo naman 'no! Matagal ko na kaya 'tong pinaghandaan. Tsaka pinagawa pa namin yan sa pinakasikat na designer no! Hahaha" pagmamayabang ko.

"Yieee. Nae-excite na talaga ako, be. Naghahanda na nga akong ng speech eh!" sabi naman ni Megan.

"Oy! Oy! Gandahan nyo yung speech niyo ah! Dapat yung maiiyak ako. Aba, ang tagal na nating magkaibigan" Utos ko sa kanila. Ganito lang talaga kame. Walang hiya-hiya. Masyado na kaming immune sa isa't-isa kaya honest na kami. Eh magkaibigan na kami wala pa man kaming mga bra! Hahahaha.

"Opo opo, madam" sabi ni Janine sabay bow, nagtawanan naman kaming lahat.

Debut ko na kasi bukas. Syempre, bilang babae isa 'yon sa pinapangarap-ngarap ko. Sabi nga nila "Once in a lifetime" lang 'yon kaya dapat the best 'yun!

"Andyan na syaaa! Kyaah~" sigaw ni Megan kaya dumungaw kaming lahat sa bintana. Omaygee. Andito na ang Prince charming ko.

Nakita ko yung kotse nya sa baba, dahil nasa second floor kame, paglabas nya may dala syang bouquet of flowers. Ang sweet talaga ng boyfriend ko! Kinikilig ako, shems!

"Oh, lande oh! Kilig na kilig!" komento ni Megan.

"Shh. Wag ka nga! Teka, teka. ayos lang ba itsura ko?" tanong ko sabay ayos pa ng buhok ko.

"Oo na! Maganda ka na. Baba na dali! Andun na si Prince charming mo!" sabi ni Janine at tinulak-tulak pa ako.

"Miracle!" narinig kong sigaw ni Mama sa baba.

"Eto na poo!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.

Pagbaba ko nakita ko ang pinaka gwapong lalaki sa mundo. Shocks, parang may slow mo effect eh.

"Hi sweetheart" sabi nya sabay kindat. Yieee.

"Err." sabi ko sabay aktong nandidiri. Binigay nya sa akin yung bouquet tas hinawakan yung kamay ko at binigyan ako ng back hug.

"Oh, eh san ba punta nyo?" tanong ni Mama.

"Ewan ko ba dito" sabi ko.

"Pwede po bang nakawin ang anak niyo ngayong araw na ito?" sabi niya habang tinitingnan ako. Shems. Kilig na kilig na ako dito, maiihi na ako!

"Nako naman. Basta ibalik mo at may debut pa yan bukas" sermon ni Mama.

"Opo naman po" sabi niya.

Kumawala muna ako sa yakap at humarap sa kanya. "Aalis tayo?"

"Yup!" sabi nya sabay kindat.

"Eh teka, bibihis muna ako." sabi ko.

"Ayy. Sige, bilisan mo ah!" pagmamaktol niya. Hahaha. Pinisil ko muna ang pisngi niya "Opo" Hmm. Kagigil!

Tumaas na muna ako at pumunta sa kwarto ko.

"Yiee. Ano daw?" tanong ni Meg agad sa akin.

Encountering Death (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon