Bestfriends' Love story (short story)

3.2K 58 15
                                    

Dedicated po sa couple na emirenz28 .... ^_____^

BESTFRIENDS' LOVE STORY

written by: BrashHeart

Hi there! Ako si Morena and you can call me Morenz or Renz hehehe, bestfriends at childhood friends ko sina Charlene na Cha for short at si Emil. Actually si Cha lang naman talaga ang bestfriend ko eh nakiepal lang toh si Emil.

Nung grade one kami laging binubully ni Emil ang di makabasag pinggan kong bestfriend na si Cha at syempre to the rescue naman ako palagi. Laging kontrabida sa buhay namin si Emil bukod kasi na mahilig siyang mambully eh kapitbahay din namin sya. In short laging iisa ang way namin pauwi.

Nung grade four kami don nagbago ang lahat.

Isang araw lumabas na ko ng bahay para pumasok at nakita ko din si Cha na lumabas din ng bahay dhail don sabay na kami naglakad papuntang school pero di pa kami nakakalayo nasa may tapat na kami ng bahay ni Emil, nakita namin si ate Vanessa na sinasakay sa ambulansya. Dun namin nakita si Emil na parang papaiyak, kapatid nya kasi ate Vanessa.

Nung sumunod na mga araw dinalaw namin si ate Vanessa dahil close namin yun ni Cha tapos nandon din pala si emil tapos nagulat kami nung binilinan sya ni ate Vanessa na huwag kaming awayin at protektahan kami ni Emil. Dahil don hindi na nambully si Emil sa kahit sino at lagi narin siya sumama samin at naging protector talaga namin sya. Yun ang dahilan kung bakit naging magbestfriends kaming tatlo.

Thirdyear na kaming tatlo ngayon at normal naman ang buhay namin. Hanggang ngayon pinapanindigan parin ni Emil ang bilin sa kanya ni ate Vanessa na protektahan kami, nasobrahan na nga eh, as in sobra na na nakakaasar na.

Alam nyo yung tipong thirdyear highschool kana tapos NBSB ka parin at walang ibang may kasalanan kundi ang Emil na yon. Ayoko naman talaga syang sisihin pero hindi ko naman masasabing panget ako, na hindi ako kagusto-gusto kaya wala akong ibang masisisi kundi si Emil at ang pagiging over protective nya. Alam nyo bang marami na dapat akong boyfriend or boyfriend to be pero ewan ko ba lahat sila umaatras.

Nitong kelan lang liligawan na dapat ako ni John na taga-section two pero alam nyo ba ang huli nyang text..

"Ay ikaw pala yung Morena na bestfriend ni Emil" -- Pagkatext nya nyan hindi na sya nagparamdam sakin. Eh umaakyat na ng ligaw yan eh tapos ayun hindi na.

Lagi kong nararanasan yan. Yung sasabihin ng mga kalandian kong lalaki na...

"Ay bestfriend ka pala ni pre"

"Oh sayang. Bestfriend ka pala ni Emil"

"MOrena? Morenz? Ikaw ba yung tinatawag na renz ni Emil na bestfriend nya. naku"

"Ay sige, ikaw pala yung sinasabi ni tol na bestfriend nya"

Tapos kung ano-ano pang version ng pagsabi nila tapos kada sabi nila nyan isa lang ang ending, titigil na sila sa pakikipaglandian sakin at ang pinapangarap kong boyfriend na sana ay naglaho na.

Hindi ko alam kung anong meron sa pagiging bestfriend ko kay Emil kaya napaatras sila. Binubully kaya sila ni Emil? Naku, kala ko ba tumigil na sya. Ayt, kahit ano pang dahilan wala akong pake bsta ang alam ko nagiging hadlang sya sa pagbuo ng love life.

Dahil punong-puno na ko, kinuwento ko kay Cha ang hinanakit ko.

"Baka naman nagkataon lang Morenz"

"Over naman na nagkataon lang yun best. Tsaka wala kabang na-eexperience na ganon. Bestfriend ka din nya diba"

"Wala naman akong na-eexperience na ganon. Tsaka alam mo naman na kayo lang ni Emil ang kinakausapa ko eh"

Oo nga pala, may pagka-loner kasi si Cha at hindi mahilig makipagkaibigan kaya kami lang ni Emil ang close friends nyan eh. In short, hindi siya nakikipaglandian kanino man. Oo na, malandi na pero hindi talaga ko malandi talagang lapitin lang ako hehehehe.

Bestfriends' Love story (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon