Chapter 3

8 3 1
                                    

Habang naglalakad kami tanaw ko ang isang napaka laking maladyamanteng pintuan at alam kong dito ang hapagkaininan dahil may pumasok na isang kasambahay na may dala dalang pagkain.



"Nandito napo tayo Maam."




Kumatok muna si Lourdes bago pumasok. Pagkarating namin sa loob nakita ko ang isang malaking lamesa at maraming nakahanda na pagkain.
Nakatutok ako sa isang nakatalikod na lalaki. Bakit parang kilala ko ito?



Humarap siya ng tuluyan at nagsimula ng tumulo ang aking mga luha.





"Osiris" mahina kong saad habang tumatakbo sa kanya at agad siyang niyakap ng napakahigpit.





Lumakas ang pintig ng aking dibdib at ang aking paghikbi nang maramdaman kong gumanti siya sa aking yakap.





"Namiss kita mahal kong Justice." bulong niya sa aking tenga.





"Bakit buhay ka Osiris? Okay ka lang ba? Bakit bigla bigla mo akong iniwan. Alam mo bang hindi ako makatulog gabi gabi dahil ikaw ang lagi kong iniisip?" sabi ko habang patuloy paring umiiyak.







"Kumain muna tayo bago ko sagutin ang katanungang mga iyan." ngiti niyang sagot.




Hinalikan niya ang aking noo at umupo sa hapagkaininan. Sumunod naman ako sa pag upo.
Habang kumakain kami nakatitig lang ako sa kanya. Ano ba talaga ang nangyari Osiris? Nakita ko mismo sa aking harapan ang pagkitil sa iyong buhay.





"Alam kong madaming katanungan ang pumapasok sa iyong isip binibini, kumain ka muna" saad ni Osiris.









--------------------------
Super short update guys!!!
Support gihapon!



Ano kayang mangyayari ngayong alam na nating buhay pa si Osiris?



Abangan!!!




xoxo,
gail

KATARUNGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon