Mahalaga ! Mahal Kita !

29 3 1
                                    

INA ang unang salitang aking nabigkas habang ika'y tumatawa ng malakas. 

kaya naman ang saya ng iyong mga ngiti habang hawak ang aking maliliit na mga daliri.  

Mahal kita dalawang salitang iyong isinukli sa dulot na saya na di mo mawari. 

Sa aking pagkabata ikaw ay aking naging gabay, hangarin lamang mapabuti ang aking buhay. 

Nasaktan, nadapa, umiyak, lumuha. Nariyan ka pa rin para sakit na nadarama'y mawala

Hanggang isang araw sa aking pag gising, mag isa na lang at wala ka na sa 'king piling. 

Naalala kong sinabi mo, Lalayo ka muna para maibigay mga pangangailangan ko. 

Ang tugon ko naisip mo din ba mas kailangan ko ang INA sa tabi ko?

Sa yong pag tangis ang puso ko'y nag hinagpis. Sa isipan ko'y may kaunting po'ot at galit. 

Iniwan mo ako mag isa at patuloy na aasa sa bawat araw ay babalik ka. 

Lumipas ang araw, buwan at taon; ang anino mo'y nalimot na ng kahapon. 

Ako'y nagdasal umasa at naghintay patuloy akong magmamahal sa iyo aking Ina'y.

Nang ako'y nagka pamilya na at isa na ring INA, nasabi ko sa sarili  ayoko maging katulad ka. 

Pero sa bawat hikbi ko ikaw parin ang banggit. at aking tanong ay Bakit?  

Isang araw ikaw ay nagbalik, tumatangis na parang naghihinagpis. 

Yakap mo ako at wika mo Patawad anak ko. binihag ako ng mga dayuhan kung amo, pero ni 

minsan di ka nawaglit sa isip ko! Ako'y biglang lumuha at niyakap ka ng mahigpit, patawad ang

aking sambit. nagpabihag din ako sa poot at galit. Wag ka ng lalayo pa, wala man tayong yaman 

Mahalaga ! Mahal Kita Aking INA. 

Mahalaga Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon