Chapter 3 Black Lamborghini

8 0 0
                                    

-Jade's POV-

Nakarating na kami sa school.

"Kyaaaaahhhh!!!!" Sigaw ng mga babae sa harap ng gate. Nakakabingi grabe!

"May artista ba?" Tanong ko kay Kaz.

"Ewan ko. Wait lang, tanong ko sa kanila." Reply niya sabay punta sa grupo ng mga babae.

"Excuse me miss. Tanong ko lang kung bakit kayo sumisigaw"

" First year ka no? In fairness may itsura ka." Aba! May time pa lumandi si ate?

"Andyan na kasi sasakyan nung Prince of the Sea."

"Huh? Sino yun?"

"Si DK Perez! Yung meaning kasi nung name niya 'Sea' kaya tawag sa kanya 'Prince of the Sea'."

Pinigilan ni Kaz tumawa sa harap ni ate. Agad siyang tumakbo pabalik sa akin.

"Pfffttt!!!! Hahahahaha!! Prince of the Sea?! Anong ka ek-ekan yan? Hahahahaha" sabay tawa ko.

"Hoy babae ka! 'Bat mo pinagtatawanan prinsipe namin?!" Sigaw nung isang babae malapit sa amin ni Kaz.

"Bakit? Masama bang tumawa? Bawal ba yun dito?" Bawi ko sa kanya. Hmpf! Kala niya ah.

"Aba! Tandaan mo first year ka! Kala mo naman ang ganda ganda." laban naman niya.

"Hoy ammnn" tinakpan ni Kaz bunganga ko.

"Wag ka na lumaban. Tandaan mo nangako ka sa akin na hindi ka magkakarecord. First day of school pa oh." Sabay sabi niya.

Nangako kasi ako sa kanya na hindi na ako maiinvolve sa away. Simula noong nakaaway ko girlfriend niya dati. Nagselos kasi sa akin ex niya nun. Ano ba namang magagawa ko? Sa ganda ko ba namang ito, chos.

"Oo na." reply ko sa kanya.

"KKYAAAAAAAAAHHHH!!!!"

"Tae! Nakaka-bingi naman oh!" Sigaw ko.

"Ayan na siya!" Sigaw nung isang babae habang nakaturo sa may gate. Agad din naman akong napalingon sa direksyon na iyon.

Paglingon ko sa may gate ay nakakita ako ng Lamborghini na black.

"WOW! Tae! Cool ride!" Sigaw ni Kaz. May pagka car enthusiast kasi siya. Halos lahat ng brand and model ng mga sasakyan alam niya. Pwede na nga siya gumawa ng encyclopaedia eh.

"Baka ayan na ung 'prinsipe' na tinatawag nila. Pfft. Tara na nga Kaz! Baka ma-late pa tayo!" Sabay hablot ko sa kamay ni Kaz. Agad namang lumakas hiyawan ng mga babae.

"Putik! Bilis Kaz! Baka mabingi na ako!" Sigaw ko kay Kaz.

Naglakad kami papasok sa main campus nang biglang nagsitakbuhan yung mga grupo ng babae kanina.

Di na namin pinansin ni Kaz yung mga babae. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa gitna ng hall.

"Ang bagal naman oh!" Sigaw nung tao sa likod namin ni Kaz. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki na sa tingin ko pa lang, isa syang spoiled brat. The kind of person I hate the most.

"Sorry ha? Parang may-ari ng hall?" Laban ko sa kanya.

"Oo! Ako may-ari ng hall? At bawal dito mga katulad mo. 'Bat siya pa napili mo pre?" Tanong niya kay Kaz.

"Wag mo kong matawag tawag na pre! Di tayo close!" Tanggol ni Kaz pero nag bigay naman ng glare ung lalake.

"Psshh! Bahala nga kayo diyan! Wala akong oras para sa inyo!" Naglakad siya diretso sa akin at lumapit sa tenga ko. "Di pa tayo tapos!" Bulong niya at nagpatuloy siyang naglakad.

Agad namang lumapit si Kaz.

"Anong binulong sa'yo nun?" Tanong niya.

"Wala. Sabi lang nia 'di pa tayo tapos!' yun lang" reply ko kay Kaz. Biglang umasim mukha niya nang sinabi ko iyon.

"Ano na?! Tara na! Nakatulala ka pa diyan." Biglang sabi ko.

A Thing You Call 'Love'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon