PROLOGUE

11 1 0
                                    

Dan's POV 
                        tumatakbo ako ng mabilis kasabay ng mabilis na pagpintig ng aking puso.Takbo Dan! takbo!

*Dan!

Isang tinig ng  babae ang aking narinig habang ako ay nakakapit mula sa batong umaalalay upang hindi matuluyan sa pagkakahulog sa malalim at rumaragasang tubig sa dagat.Ngunit ilang minuto lamang ay nagpasya ang katawan kong mamahinga na lamang,bumitaw ako sa batong kinahahawakan.Nung una ay natataranta ang aking isipan,sa pagkakataong ito naramdaman ko ang kapayapaan at katahimikan sa aking paligid,nakatitig lamang sa ilaw na sumisinag sa aking mga mata at sa ilaw na tanging nakaka tagos sa itaas mula sa aking kinalalagyan.Tumigil yata ang pag ikot ng mundo,kasabay din nito ang pagtigil ng aking paghinga at unti unting pagdilim ng aking paligid.Pumikit na ang aking mga mata ng may naramdaman akong kamay sa aking katawan ngunit hanggang dito nalang.

Kat's POV
                       pinagmamasdan ko lamang ang binatang ito hanggang sa makarating kami sa ospital ng maramdaman ko ang pagsikip at pagbigat ng aking dibdib,may nakawalang luha sa aking mga mata.

"Sorry Dan,sorry" pabulong kong sinabi habang hawak hawak ang kaniyang malamig na kamay at inaalala ang mga pangyayari ilang araw lamang ang lumipas.

*Throwback*

nakaupo lamang ako sa dalampasigan habang nilalaro laro ang puting buhangin ng biglang may binatang tumabi saakin.Pinagmasdan ko siya ng mabuti,matangos ang kaniyang ilong,magaganda ang pilik mata,kilay at mata may kissable lips at medyo maputi hmm pwede na rin.
                "mawalang galang na p-pero nakaka abala ka eh"  hindi niya ako pinansin di rin siya umimik.Tumayo ako upang ipagpatuloy ang practice para sa Theatre night. Pinanuod niya lamang ako at pagkatapos nun ay hindi ko inasahang makita siyang lumuha at napangiti at sinabing "its so beautiful" na confuse ako kaya tinanong ko siya "may alam ka ba sa pagpeperform sa theatre?" at sinagot niya "wala pero I cant deny it,napakaganda" napatalon ang puso ko sa tuwa abot hanggang tainga ang aking mga ngiti,niyakap ko siya at I considered him as my first audience and my first ever bestfriend na crush na din.

As time goes by,napansin ni Daddy na madalas ang paglabas ko sa aming mansion,nalaman niya rin ang dahilan kaya pinaghahanap nila si Dan at sa hindi inaasahang pangyayari nawala ang pinaka mamahal kong kaibigan at ang first audience kong walang ka alam alam sa theatre ngunit na appreciate niya parin ito.I will always remember the day you said "its beautiful".

                 But it is years ago

                     




Ghost's Last MissionWhere stories live. Discover now