"6 years ?!! Anong sabi mo ?!!! Siraulo ka ba ?! Gigive-up mo yun? Girl sayang yon .. " iyan ang sermon ni Gail sa akin matapos kong magkwento sa kanya ng masakit na paghihiwalay namin ng boyfriend ko . By the way , my name is Kassandra and ayon nga sa sinabi ko , break na kami ng dating Knight in Shining Armor ko. " Oo , Gail . Ayoko man pero siya yung nakipag-break sa akin . Wala na raw kasi siyang gana." " Hayy , Girl . Kung ako sayo, ipaglalaban ko yan.... Hayaan mo , sa tingin ko naman mare-realize niya na ikaw yung para sa kanya ."
Peep , peep.
" Hay! nandyan na pala yung kotseng hinihintay ko . Cge , Kassandra , una na ako ." nagmadali nang tumakbo si Gail at sumakay na sa sasakyan .
Siguro forever alone na talaga ako . Iniwan na nga ako ng boyfriend ko pati rin ba si Gail na kinuwentuhan ko ng istorya ko kahit kakakilala pa lang namin. Yup, tama . Kakakilala pa lang namin . Nandito kasi ako sa waiting shed, naghihintay ng bus habang umiiyak kaya napansin ako ni Gail. Ang Korek ko noh ?! nagkwento ba naman ang sa isang stranger . Ganyan kasi ako , madaling magtiwala . Kaya nga nagtiwala ako kay Tyrone . Kung hindi ko pa pala nakukwento, si Tyrone ang boyfriend ko , este ex - boyfriend ko . Ansakit talagang maiwan noh ? Lalo na kung yung bus yung nakaiwan sayo dahil sa kadaldalan mo. Haisz ,buhay nga naman. Kasi naman itong si Gail nagtanung pa .
Dahil nga sa katangahan ko , naglakad na lang ako pauwe ng bahay . Nakahigh-heels pa naman ako with matching red dress kasi kala ko special yung sasabihin ni Tyrone . Sumasakit na tuloy yung paa ko .
Habang naglalakad , may naririnig akong foot steps sa bandang likuran ko. Omg. Sino kaya ito ? Ano bang kamalasang dala ni Tyrone sa akin , mamaya ma-rape pa ako dito . Binibilisan ko na ang paglalakad ko pero parang nakasunod pa rin yung naririnig ko . Ayaw ko namang tumalikod at baka multo yung makita ko gaya nung mga napapanood ko sa mga horror movies. Pero mas ok na iyon kaysa ma-murder pa ako . Bahala na nga si Batman , titignan ko na nga . Paglingon ko , wala naman akong nakita. Teka , kinakabahan na ako ah . Baka nga multo iyon . Natatakot na ako makatakbo na nga.
---------------------------------------------
Sa wakas , nakarating na rin ako sa bahay .
" O anak , kamusta date niyo ni Tristan ? Saka bakit ka hinihingal ? " salubong sakin ni mommy. " Ma, Tyrone hindi Tristan, saka ex ni ate Kamila si kuya Tristan" ." Ah ganoon ba ? sorry , magkatunog kasi yung mga pangalan ng mga boypren , boypren niyo . So , anong nangyari sa lakad niyo ? " Hindi ko na napigilan at napaiyak muli ako ." Wala na kami Ma. Wala na . Nakipag-break na siya sakin. " Nagulat si Mommy sa sinabi ko . Hindi na siya nagsalita at bigla na lang niya akong niyakap. "What's the meaning of this ?" sigaw ni ate Kamila kaya pinunasan ko na agad ang mga mata ko . "Wala po ate " "Ganun ? fine.Mommy pwedeng makahingi ng pera ? Gigimik lang kami ni Tristan . Please ... " pagmamakaawa ni ate ." Ano ka call center agent? Madaling araw na oh . Saka kala ko ba break na kayo ni Tyrone? " " FYI mommy it's Tristan. Saka bawal na ba kaming magbalikan ? Please mommy , promise uuwi po ako kaagad . "
"Hay sige na. Ito oh . Umuwi ka agad ah . " Umalis na si ate kaya nagpaalam na ako kay Mommy " Ma, akyat na ako , matutulog na po ako " " Sigurado kang ok ka na ? "
"Opo mommy."
-------------------------------------------------------
Toot toot toot toot .
Ito na ang pang pitong beses na tumunog ang alarm clock ko. Ayoko pa kasing tumayo lalo na kapag naaalala ko yung mga pangyayari kagabi. Pero kailangan ko pa ring kumilos kasi nga pala may pasok pala ako ngayon. Haisz. Buhay nga naman.
"Oh kala ko hindi ka papasok , kain na." ,bungad sakin ni Mommy. " Pwede ba yun Ma ? Hindi ko naman pwedeng pabayaan school ko . " sagot ko sa kanya. " Buti naman ganoon. Sige anak , papasok na ko sa office. Paligpit mo na lang yan kay yaya ah." , hinalikan ni mommy ang noo ko saka umalis. Tinapos ko na agad ang pagkain ko at agad tinawag si manong para ihatid ako sa school .
Pagdating sa tapat ng school , bumungad agad sa akin ang malaking pangalan ng school
( BradFord High School) . Private school ang Bradford . Dito kami pimag-aral ni mommy sa paniniwalang advance ang turo dito. Ang problema ko ngayon , dito nag-aaral si Tyrone. Paano naman ako makakamove on nito ? Haisz , buhay. Bahala na.
Pumasok na agad ako sa loob dahil umalis na agad si manong. Buti nga hindi ako nalate kahit ambagal kong nagbihis at kumain.
Pagpasok ko sa loob ng school, lahat ng mga students ay nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang naging center of attraction ako . Hindi tuloy ako makakilos ng maayos . Haisz. Nakakainis naman . Siguro alam na nila yung tungkol samin ni Tyrone.
."Kassandra ! " , sigaw ni Princess. Kung hindi ko pa nababanggit , si Princess ang 1 and only bff ko since birth . Sabi nga ni mommy hindi raw kami mapaghiwalay ni Princess kahit mga chikiting pa kami. " O, buti dumating ka. Kanina pa nila ako tinitignan eh. Ano bang meron ? ", " Si Robert , tatalon mula sa 5th floor sa building 1 !" nanginginig niyang sagot. " Haaa?!! Ano namang kinalaman ko doon ? " " Ikaw yung hinahanap niya . Kailangan mo nang pumunta doon , ngayon na ,as in now na!" Dumeretso na agad ako sa 5th floor ng building 1 at nakita ko si Robert.
"Ro-robert? " nanginginig kong sabi. "Kassandra, may problema kasi ako eh . Ikaw lang kasi makakausap ko . Pasensya ka na ah. Tingin kasi nila sakin weirdo ako .Weirdo ba ako ? "
"Hin-hindi ahh .A-ano bang problema mo ?" bumaba si Robert mula sa bintana at lumapit sakin .
" Kasi , hindi ko alam kung anong sasabihin ng mama ko pag nalaman niyang bagsak ako"
"Yun lang magpapakamatay ka na ?! Eh mas matindi pa nga problema ko eh " , tumulo na naman ang mga luha ko . " Ako nga hiniwalayan ng boyfriend ko tapos kung maka-emote ka diyan na papagalitan ka ng nanay mo ? " Haiszz , ito na naman , nagkwekwento na naman ako sa stranger . Ugh. " Ganoon ba ? Sorry na Kassandra , halika na , baba na tayo " , teka nabaliktad ata yung sitwasyon ah.
Bumaba na kami at lumabas sa building 1 . Pagkakita sa amin ng mga students at teachers, nagpalakpakan ang lahat sila habang ako nagluluksa . "Beshie , ang galing mo ah , may paiyak-iyak effect ka pa ah!" , masayang sinabi ni Princess. " Gaga! Totoo yun ." "Eh , anong iniiyak-iyak mo? " " Break na kami ni Tyrone " malungkot kong sabi habang pinupunasan ang mga mata ko."Condolence. Hayaan mo magbibigay ako ng abuloy" ,seryoso niyang sabi. " Gaga! Halika na nga , libre mo na lang ako sa canteen."
Kriiinnnngggg.
Natapos yung klase ng walang ginagawa kasi pinag-usapan yung pagiging hero ko kay Robert . Nakakarindi na nga eh . Paulit-ulit .
Umuwi na si Princess dahil sinundo na siya nung driver niya. Samantalang ako hinintay si manong dahil sabi ni Mommy susunduin daw ako ni manong. Magaalas-otso na , wala pa rin si manong nang biglang nagtext si Mommy
(Mommy: Anak , di ka muna masusundo ni manong kasi sinundo niya ate mo. Magtaxi ka na lang. )
Haiszz , buhay. Kainis naman oh . Maglalakad na nga lang ako , tutal malapit lang naman yung school sa bahay. Habang naglalakad , nakinig na lang ako ng music sa Iphone ko. Huminto muna ako dahil sa napagod ako. Nakakainis nga dahil malapit nang masira itong sapatos ko kakalakad . Nang ipagpatuloy ko ang paglalakad , biglang may kumaluskos sa likod ko. Pinatay ko yung music at saka binilisan ang paglalakad .Sa sobrang pagmamadali ko , tuluyan nang bumigay ang sapatos ko at bigla akong natapilok. Tumingin ako sa likod . Wala namang tao. Siguro guni-guni ko lang iyon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko nang biglang may kumalabit sa akin . Hala?! Sino kaya to? Hindi ko alam kung bakit pero nanigas lang ako sa kinatatayuan ko . Nang matauhan na ako at handa na akong tumakbo, biglang may humawak sa kamay ko at nilapit sa tainga ko ang labi niya , sabay bumulong dito .
" Psst. I miss you , miss mo rin ba ako? "
---------------------------------------------------------
Hey guys , thanks for reading . Free to comment what you think .I hope you like it . Wait for the next chapter .
Sino kaya yung humawak at bumulong kay Kassandra ? Hmm??
BINABASA MO ANG
Give Your Heart A Break
RomanceHi. My name is Kassandra . The one and only Kassandra Smith . Matapos akong saktan , paiyakin at iwan ni Tyrone Park , oras na para magmove on. Revenge is not my thing, pero kusa palang lumalabas yun? Tunghayan ninyo ang action, horror,comedy, roma...