Kabanata 5

3K 57 4
                                    

"Ineng" napaigtad ako sa humawak sa balikat ko kaya napalingon ako mukang natakot ata ang matanda tsaka bahagyang lumayo sakin.

"Pasensya kana ineng kung hinawakan kita diko sinasadya" nakayukong sambit niya sakin.

Napangiti naman ako at hinawakan sa kamay si nanay.

"Nay ayos lang ho.." Nakangiting sambit ko sa kanya.

Umangat naman ang tingin niya sakin halata ang gulat sa mata niya, lumingon lingon pa siya sa paligid bago ako hinila sa tagong lugar.

"Anong ginagawa mo dito lady fem? Hindi ka nababagay dito baka may makakilala pa saiyo dito." Mahinang saad niya.

Hindi ako makapaniwala na kilala niya ako.

"Mukang nagulat ata kita ako to si Inang Della ang binigyan ng pamilya niyo ng negosyo at pinagtapos ang mga anak ko sa inyong paaralan.."

Napangiti naman ako at niyakap siya natatandaan ko siya siya yung nagalaga sa mga kuya ko noon pero nag-asawa na siya kaya pinakawalan na siya ni lolo.

"Sorry po nay gusto ko lang po makita ang lugar niyo baka masabi ko ito kay lolo alam niyo naman po sila willing tumulong sa mga tao" sambit ko sa kanya.

"Nagsisinungaling ka iha, nakatanaw ka sa bahay ni Arila. Bakit nga pala nakatanaw ka sa bahay nila?"

Napalunok naman ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko im sure hindi niya nabalitaan na matagal nakong nag-asawa.

"Gusto ko lang po dalawin sila.."

Nanlaki yung mata niya pero ngumiti rin.

"Kaibigan ka ba ni Ariyah? Diretsuhin mo lang at kumatok kana lang pero magiingat ka bawal may makakilala sayo.. Oh sya aalis nako inaantay nako ng asawa ko" nagmano naman ako sa kanya at ngumiti rin sa kanya.

Nung makaalis na siya napatanaw ako sa bahay kung nasaan si Z hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

A-Ariyah?

Sino siya?

Anong connection niya sa asawa ko?

Lumingon ako sa bahay nung Ariyah at unti unti akong lumapit don alam kong sinusundan ako ni john pero wala nakong pakialam gusto kong malaman kung anong connection nila sa isat isa.

Nang makarating nako sa gilid ng bahay nila, sumilip ako sa bintana at gulat akong magkayakap si Ariyah at ang asawa ko.

Umiiyak si ariyah habang ang asawa ko inaalo siya.

Napatakip ako sa bibig.

S-Siya ba ang tinutukoy nila? O
Baka naman isa to sa mga tinutulungan ng mga montemayor?

Mali ang magisip ng mali Faith!

Biglang may dumaan na dalawang babaeng kasing edad ko, sumilip muna sila sa bahay ni Ariyah bago kinilig.

"Ang swerte ni Ariyah noh?"

"Si Ariyah pa ba? Ang gwapo kaya ni Zendrick!"

Kilala nila si Zendrick?

"Ang sweet pa! Nako! Hindi ko aakalain na makakabingwit si Ariyah ng gwapong boyfriend!"

B-Boyfriend?

"Sa kasweetan nilang dalawa baka malaman nalang natin ikakasal na sila!"

"Nako abay ako noh!"

Napasandal ako sa puno at napahawak ako sa tuhod ko ng maramdaman kong nanlalambot ito.

It's His Mistress - INCOMPLETEWhere stories live. Discover now