-1-

19 0 0
                                    

"Uy Cha! Gising na! Late ka na!!"

Dinilat ko yung mga mata ko na medyo pumipikit pikit pa. Ok. Balik ulit sa tulog, wala naman yun e.. late lang naman ak--

Waaaaahhhhhhh!!!! Late na ko!

Agad agad akong bumangon, nagtoothbrush, naligo, nagbihis, nagsuklay, konting pabango tas pulbo. teden! ok naaaa.

Di ko alam pero sumapi ata sakin yung kaluluwa ni flash at ilang seconds lang e nasa baba na ko ng bahay.. di na ko kakain, late na ko e.

Palabas na sana ko ng pinto nang biglang di sinasadyang mahagip ng mga mata ko yung wall clock namin.

"6:15!???"

8:00 pa pasok ko! Si mama talagaaaa..

Pumunta ko agad ng kusina para maghasik ng reklamo kay mama.

"Ma naman! kala ko ba late na ko?" reklamo ko kay mama

"Hahaha e kasi naman, nagluluto ako ng pancake" sabi niya sabay lagay ng batter sa pan.

"kapag mga 6 pa kita ginising baka di ka agad bumangon tas mga 6:30 ka na babangon tas kukulangin ka sa time kasi kailangan 7 umalis ka na dito sa bahay, edi hndi ka na kakain tas di mo na matitikman tong pancake na niluto ko." dugtong niya.

" Hay nako Charish Erika Gabriella Alpa Sy." sabi ni mama sabay ngiti sakin.

"Oo nalang mama. Kailangan talaga buong pangalan ko? hahaha love you po!" sabi ko sabay hug kay mama.

Sweet at Close talaga kami ni mama, close din naman kami ni papa pero mas close kami ni mama.. si papa kasi nasa ibang bansa, nagtatrabaho.

Kumakain kami ni mama ng bigla syang nagsalita

"Cha, musta na kayo ni Jared?"

"Ehem ehem eekkk ehem. Ma naman! konting preno ha?"

"Hahaha e kinakamusta ko lang naman ang buhay pag ibig ng dalaga ko.. pero di kita pinapayagang magkacrush para kunsintihin yang kalandian mo, pinapayagan kita dyan kasi crush lang naman yan at alam mo naman yung usapan nating aral muna diba?" Sona ni mama hahaha

"opo alam ko naman po yun.. ahmm ayun, wala namang balita ma, di niya naman alam na crush ko sya at alam kong di ako yung tipo niyang babae. Gwapo kasi siya, mvp, running for valedictorian, mabait.. almost perfect na nga e, except lang sa maliit na nunal niya sa baba na magkasunod hahaha parang naka staple." medyo natatawa tawa kong kwento

"E ako eto, simpleng babae lang naman haha. Yung moment na langit sya lupa ako hahahahahhaa yung mga ganung drama ma? alam mo yun? hahahaha arte ko noh? Sige na ma, aalis na ko, thank you po! Labyu!!!"

Tumango naman si mama at kiniss ako sa cheeks then umalis na ko.

----

Dont forget to vote and comment!! sa mga nakakabasa nito, FOLLOW NIYO KO!! Iloveyou all!!!! abangan ang next update. once a day ako nag uupdate ;) short story lang po itoooo

EightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon