*Classroom 301 at SNMMG University*
(School Ng Mga Magaganda't Gwapo University)
Odiba? school na university pa hahahaha
1st subject namin math! Pamatay agad ng utak diba? umagang umaga pasasakitin ulo mo.
"Guys, wala si sir." announce ng class president namin.
Automatic naman na nagwala ang mga classmates ko.
"Oy oy makinig kayo, lilista ko nalang kayong lahat sa attendance sheet para di ko na paiikutin yung papel." Sigaw ni pres. pero tuloy parin yung mga kaklase ko sa pagsigaw at pagdadaldalan.
at ayun nga.. nag walk out si pres. Biglang tumayo sa harap si Fretz, vice president namin and at the same time isa sa mga close friends ko dito sa room.
"Respeto naman guys!" sigaw ni fretz
Napatawa naman ako dun. So ganun lang ba talaga yung tungkulin ng vice president? Hahahaha pag nag walk out si pres taga sigaw lang ng respeto? Hahaha.
So ayun nga... syempre nahimasmasan na mga classmates ko at may kanya kanya ng business.
"Charish Erika Gabriella Alpa Sy!!!!" sabay na sigaw nina Mikee at Des.
Si mikee.. hulaan niyo, babae o lalake? Babae? Mali kayo.. Lalake? Mali din kayo.. Kasi si mikee ay lalake pero pusong babae hahaha in short binabae :) pero mabait na tao yan hahaha masarap kasama tsaka nakakatawa ^_^ Michael John Alfonso yung buo niyang pangalan. quiet lang kayo na sinabi ko ah!
Si des naman.. tahimik sa iba pero sobrang kulit samin!! Desiree Villanueva whole name niya.. same sila ni mikee na ayaw sa real names nila. Masyado daw kasing pambabae yung desiree sabi ni des, si des kasi medyo boyish pero babae yan! swear ;)
"masyadong maganda ang araw ko para sirain niyo." pagtataray ko sa kanila
"Duhhh? kaya nga namin sisirain kasi maganda." pambabara ni des
"oo nga e, wala kayong first subject! ang ganda talaga ng araw mo cha! kasing ganda ko" sabi ni mikee na may pa twinkle twinkle pa yung mata.
"Aba aba aba michael john alfonso! lumalandi ka na naman dyan! teka nga, bat ba kayo nandito ha? wala rin ba kayong first subject?" tanong ko.
"wala rin!" sabay nilang sabi with matching ngiting wagas pa.
Hindi kasi nila ko classmate. Ako kasi Sec A sila naman Sec B. Nagkakasama lang kami kapag lunch, vacant, at uwian. Di ko na ikwekwento kung pano kaming tatlo nagkakilala. Short story lang to noh! duh? magagalit si author pag dumaldal pa ko :(
Biglang may pumasok at, nag iba ang ikot ng mundo ko... slow mo na pumasok si jared sa pintuan and oh my gee! ang gwapo niya talaga *u* napatingin siya sakin at nagkatitigan kaming dalawa nang biglang may background music na nagpaplay habang tinititigan namin ang isa't isa
~pag ibig na kaya? pareho ang nadarama ito ba ang simulaaa ah ah..
*EEENNNGGGKKK* syempre joke lang yun! ano to? telenovelaaaa!??? Ako lang yung nakatingin sa kanya, hindi rin sya slow mo na pumasok sa pinto, muntanga naman pag ganun. At higit sa lahat walang background music na nagpaplay mula sa kawalan.. pero mula sa dalawang ugok na katabi ko meron!
"~ di na mapipigilan pag ibig na ito sanay di matapos ang nadaramang itooo oh oh" sintunadong pagkakakanta nina Des at Mikee
Mukha ko? Ganito --> (=.=) Mukha ng dalawa kong ugok na kaibigan?
Ganyan --> (♡.♡)
Ok sabi ni author masyado ng mahaba ang episode na ito.. kaya abangan ang next!
Author: Ay mga readers! wala kong sinasabiii... si cha ang may gustong putulin na.
Si author talaga binuking ako >.< epal much! hahahahah joke lang author! love you! gusto ko pang mabuhay ;) hehehe
--
Dont forget to vote, comment and follow me!!! ;) abangan ang next update
BINABASA MO ANG
Eight
RomanceIts just a number.. Number EIGHT to be exact. But that number changed me, Oh let me rephrase that, Number Eight Changed My Life :) Basahin mo to kung gusto mong malaman kung bakit :')