** I wanna go right
you'd rather go left
I wanna go fight
You'd rather be quiet
I wanna be right
you'd rather be wrong
I wanna be weak
you'd rather be strong
moving along,singing our song
opposites do attract
**needing each other always together opposites do attract
"hoy! nak ng tokneneng ka talaga kahit kailan Cassandra!"
Nak ng!! inisturbo pa talaga ako ng loko sa pakikinig ng music!! lintik lang! ano na naman ba ang Problema nito!!!
"bakit na naman ba?!!" -ako
"sino ba ang nag sabi sayo na umupo ka lang dyan! tulungan mo nga ako dito sa decorate!"
"bukas na yan...tinatamad ako" sabay tayo
"napaka irresponsable mo talaga Cassandra!"
"oh! edi sige ikaw na ang responsable Mr. President! the dakilang Andrew Gomez!!" sarcastic kong sabi
"at ikaw naman ang pinaka irresponsableng Vice. pres na nakilala ko!"
yes you read it right...siya ang President namin at ako naman ang vice president ng room namin...binigyan kasi kami ng task na pagandahin ang bulletin board namin dahil may contest nito
"so gusto mo akong tumulong?"-ako
"bakit? diba kaya ka nga andito para tumulong?"- andrew
"osya! heto!"sabay kuha ng pink Cartolina "maghintay ka"
"tsk... bahala ka dyan....aalis muna ako pinapatawag pa ako sa faculty ni Ms." saad niya
"alis ka na! chupe!" tapos umalis na nga siya "swerte ka't mahal kita" bulong ko
upo secret crush ko po si Mr. Andrew Gomez ang dakilang naming Pres....... napaka opposite namin sa isa't-isa...pag gusto ko nito ayaw niya....pag ayaw ko nun...gusto niya responsable sya...irresponsable naman ako...kaya nga natatakot akong mag confess sa kanya kasi baka opposite din kami ng nararamdaman....Mahal ko siya kaso baka kinamumuhian niya naman ako, kaya mas minabuti ko nalang na itago...keysa masaktan pa ako... :(
after 30 mins...
"CASSANDRA!!!!!!!!!!!!!!!"
"PAKING TAPE!!" sigaw ko ...eh nagulat ako eh!! matutulog na sana ako lintik! " ano ba problema mo't sumisigaw ka!!"
"ba't ginawa mong puro pink ang bulletin natin!!!!"
"bakit? maganda naman ahh!"
"anong maganda dyan! saan banda!"
"reklamo mo dyan! ikaw pa nga tung tinutulongan ikaw pa tung may ganang magalit!"
"ahhh!!! umalis ka nga diyan!! sinisira mo lahat ng mga magagandang idea ko! sagabal ka talaga kahit kailan.. sinisira mo lahat ehh!!! pahamak ka kahit kailan! naisip mo bang may lalaki din tayong kaklase! hindi puro babae! naisip mo ba na magugustuhan nila ang kulay na yan! naisip mo ba na maganda na yan para maipanalo tayo!! arrgghhh!!! umalis ka na nga lang! pahamak ka kahit kailan...tangna! walang kwenta!"
