I had a perfect family. Mapayapang naninirahan sa kabundukan. Mangangaso lamang ang trabaho ng aking ama. Butihing may bahay naman ang aking ina. Ngunit isang ala ala na lamang ito. Nalipasan na ng panahon.
Isa itong masalimuot na ala alang pilit kong kinalimutan. Matapos ang trahedyang iyon nakipagsapalaran ako sa syudad ng Crotia. Kung saan saan ako nagtrabaho. Naranasan ko ang buhay alipin hanggang sa maakusahang kumitil sa buhay ng isang maharlika. Ikinulong at pinahirapan sa piitan. Sa nais kong makatakas nakilala ko si Conrad. At eto na ngayon, nasa Zonis na ako, nagngangalang Victoria at umaasang mamumuhay muli ng matiwasay. Kaso sadyang mapagbiro ang tadhana. Ang gulo na ang siyang lumalapit sakin. Lalo na ngayon. He's here. Simula palang ay kilala na niya kung sino ako.
Why? Why he kept the truth from me?
We settled on the head master's office. Nagulat pa nga si Renee na binuhat ako ng hari pero hindi niya alam iyon dahil nakadamit kawal ito. Isa pa, bukod kasi sa hari ay may kasama ito na may nyebeng buhok ngunit hindi kasing tingkad nung sa hari at may maamo siyang mukha at may kaliitan na pangangatawan, na tinatawag na 'My lord' kaya buong pagaakala namin Renee na ito ay kabilang sa council ng hari. Which is true. However, I knew better. Kung alam lang nila na ang tunay na hari ay kasama namin sa mismong kwartong ito. I took a glance on the king.
The king seems to be cautious around me, he seems different when he was a kid. Now he looked mature and serious. May pagkasungit ang itsura niya. Talagang nabibilang siya sa aristokrasya. Ang tindig niya ay nagsusumigaw ng awtoridad. Malinis ang mukha nito at may mapupulang labi. Kapansin pansin din ang magulo nitong buhok dahil sa helmet nito kanina. Kung pagmamasdan mabuti hindi sya mapagkakamalan na isang ordinaryong kawal.
Napabaling naman ako sa utusan niya na nagmamando ng utos dahil sa nawasak na east wing. Kaya ngayon ay naririto kami at pinapagalitan ng head master ng academy na ito. Pinatawag din si Mr. Bennette. Nakayuko naman si Renee dahil sa pagkabigla sa pangyayari. I pity her. She knew things were different from now. We'll probably under the radar of the council and for sure the king knew that I learned something--- my identity, my ugly past. Hindi na rin nagparamdam si Eris kaya wala na ang napakalakas na enerhiyang gustong kumawala sa katawan ko.
"I'm terribly sorry lord Lando. We'll make sure to fix this right away." Pagsusumamo ng head master. Beads of sweat forming on his forehead and he trembles whenever the man glares coldly.
"Where's the book of incantations?" tanong ni Lando. Napayuko ang head master tila problemado kung pano sasagot dito.
May kumatok sa pintuan at pumasok si Mr. Bennette kasama si Vega na nagulat sa presensya namin ni Renee at ang dalawang miseryosong maharlika.
"Head Master, pinatawag niyo raw po ako?" Maingat na tanong ni Mr. Bennette. Napahilamos naman ng mukha ang head master bago itinuro ang upuan. Saka humarap sa lalaki.
"It's gone my lord." Nanlulumong sagot naman ng head master. Napatiim naman ng bagang ito. Sumulyap ako kay king Zachariah ngunit nabigla sa pagkatitig nito sakin na tila maglalaho ako sa oras na malingat ito ng tingin. Napatikom ako ng bibig at itinuon sa harapan ang atensyon.
Ang totoo ay hindi nawala ang libro. I took it and cast a spell so that they can't see it, made a warding spell actually. Seems pretty effective kaso ewan ko lang sa hari. The king raise his hand motioning Lando to lean on him. May kung anong binulong ang hari bago ito tumango. King Zachariah grabbed my arm and head outside the office. In a single motion, he flicked his fingers and the surrounding changed.
Tila nasa paraiso ako. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang maliit na bayan sa ibaba. Nababalot ng matingkad na mga damo sa paligid at mga bulaklak. Ngunit ang kapansin pansin talaga ay ang malaking puno na sobrang taas nito at may puting mga dahon.
BINABASA MO ANG
The Book of Destruction (On Hold)
Viễn tưởngAng babaeng mandirigma na may tatlong katauhan. Valentine ang tawag sa kanya ng mga taga-Crotia. Kilala siya bilang isang bandido at isang takas. Para makaiwas sa parusang hindi naman dapat para sa kanya ay nagtungo siya sa kaharian ng Zonis. Ang ka...