Prologue

33 6 11
                                    


"Hindi ka nya mahal Cassandra! Ginamit ka lang nya. Ba't ayaw mo bang maniwala sa akin?!"

"No, he loves me. Alam ko. Mahal nya ako. Itigil mo na yang paninira mo sa kanya!" Lumuluhang sambit ko sa kanya na pilit na ipinaiintindi sa kanya ang mga sinasabi ko.

Halos sabunutan naman ni Karrah ang kanyang mahaba at maalon alon na buhok. Magulo na rin ito. She looks so frustrated.

"Then why are you here? Crying?! Shedding tears for that goddamn womanizer, huh Cassandra?! Why?! Kung totoo yang sinasabi mong mahal ka nya, bakit ka umiiyak ngayon dahil sa nasasaktan ka na naman sa pambababae nya?!" She asked frustratedly.

"Naiintindihan ko sya. Lalake sya, may pangangailangan--" nagulat nalang ako ng bigla nyang hampasin ng napakalakas ang mesa.

"Tangina, Cassandra! Ang tanga mo! Napakatanga mo! Ano ka santo?! Nagpapakamartyr?! O baka naman nagpapakamatay?! Kung may pangangailangan sya bilang lalaki hindi ba dapat ikaw ang magbibigay nun? Ang hirap kasi sayo, ginagago ka na. Nagpapagago ka lang naman. Bagay nga---"

Hinampas ko rin ng napakalakas ang mesang nakapagitan sa amin. Napatayo narin ako sa swivel chair ko. Wala ring ampat ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.

"Tama na! Oo na! Tanga na kung tanga! Pakialam mo ba?! Buhay ko to! Puso ko ito! At isa pa! Kasalanan ko naman ito Karrah ee! Pinilit ko syang magpakasal sa akin. Pinilit ko syang itali sa akin! Pinilit ko ang sarili kong magbuntis. At kasalanan ko yun! Kasalanan ko yun lahat! What should i do?! Nandito na ee! Mahal ko sya! Mahal na mahal ko sya! Hindi ko kayang mawala sya sa akin! Hindi ko kaya Karrah. Hindi ko kaya.."

I broke down. Mahal ko sya. Mahal ko si Sebbastien Ronnie Ponce. Mahal na mahal ko sya, kaya ko nagawang magpabuntis sa kanya ng hindi nya gusto. Sinadya kong makasal sya sa akin. Sinadya kong mawalan sya ng kalayaang mawala sa akin.

Kaya naniniwala akong kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan. Kasalanan ko kung bakit ako nalulungkot.

Hindi naman sumagot si Karrah sa akin. Hinayaan nya nalang muna akong magbreakdown sa harapan nya. Nanghihina ako.

"Kasalanan ko 'to Karrah. Ginusto ko 'to. Kaya dapat panindigan ko ito. Kailangang kong kayanin 'to. Kailangan... Para sa anak namin... Para sa anak ko..." Hinimas ko ang maumbok ko nang tiyan. Limang buwan na kaming magkasama ng anak ko.

Sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko. Siya ang pinakapinagpapasalamat ko. Tanga nga siguro ako. Siguro? No. Tanga ako. Pero kung may pinagmamalaki man ako sa nagawa ko? Ito ay ang anak kong nasa sinapupunan ko pa lamang..

I love my child hindi pa man ito lumalaki sa tiyan ko. Hindi pa man ito fully developed, hindi ko pa man nakikita ang itsura nya. Mahal na mahal ko na sya. And i can't afford to lose the father of my child. Hindi ko kaya.

Alam kong katangahan ito. Ang inaakala kong sa Teleserye ko lang makikita ay nangyayari sa akin ngayon. Maging ang napakagasgas na ngang linya na

"Hindi ko kayang mawala sya. Ikamamatay ko siguro."

Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Karrah. Too bad, i am too numb.

"Wake up Cassandra! Wake up! This is not you! I know you're better than this! Maawa ka naman sa sarili mo. Baka iyang pambababae nya pa ang papatay sayo at sa anak mo. Kahit para sa anak mo nalang. Makinig ka sa akin. LEAVE THAT FUCK FOR YOUR CHILD'S HEALTH SAKE! UUURGH!"

Walang ampat sa pagtulo ang luha ko habang parang batang iiling iling.

"I can't. I can't. Sa kanya ako masaya. Mahal ko sya."

Bagsak na napasalampak si Karrah sa kanyang upuan. Habang naiiyak narin dahil sa aking sitwasyon.

I don't know, but when it comes to him. When it comes to the man i love. Hindi ko kayang makinig sa iba. Ang mahalaga sa akin ay ang mahal ko sya. Asawa ko sya akin sya. Sa akin sya umuuwi.

Tanga? Yes. I'll admit that. Who cares? This is my life. Siya ang buhay ko. Magbabago din sya. Magbabago sya. Alam ko. Kapag nanganak na ako, magtitino na sya.

Kapag magkakaanak na kami, he'll love me and our child we'll be a happy family.

And maybe i was too delusional of that thoughts. Maybe i was too naive thinking he'll change. Maybe i thought kakayanin ko pang hintayin ang pagbabago nya.

Hindi pala.

Because hindi ko pa man naipapanganak ang aking pinakamamahal na anak ay nawala na sya sa akin.

I had miscarriage..

I lost my precious child..

Ang tanging lakas. Ang tanging dahilan kung bakit ako kumakapit kahit na masakit. Ang pinakainiingatan kong tao sa buhay ko ay nawala sa akin.

All of that because of that damn man.

Napakatanga ko para hindi agad marealize ang bagay na yun. Ang bagay na dapat ay noon ko pa ginawa.

Ang iwan sya.

Napakatanga ko. Ang tanga tanga ko! Na kailangan pang mawala sa akin ang anak ko bago ko narealize na hindi na sya magbabago.

One's a womanizer, always a womanizer.

That made me realized that.

Why would i settle for the man i love if he doesn't love me back. Hindi porket mahal mo sya ay mamahalin ka rin nya pabalik. Life's not like that. And i've got to accept the fact that love is unfair for me.

Why would i settle for the man i love if the love i thought we could have has tortured me?

I lost my life.

I suffered a lot.

I sacrificed big time.

And that's damn enough.

I have to save myself even if it's too drowned.

I have to recover even if the damage is unrepaired.

I have to be strong for my baby and myself.

I have to move on.

I have to fix this broken heart, crumpled life.

I still have life.

And i'll definitely spend it with vengeance.

I got no love left in my soul. It's already sold in hell. Thanks to him, i had this stronger, bolder, undaunted version of myself.

I promised myself. The next time we'll cross each other's path. The game's on. I'll lit the fire he thought he created. Blazing fire will burn him unto ashes.


-
Sept 20, 2019
#Moanaaa

SLAVE OF LOVE (UNDAUNTED SERIES #1)Where stories live. Discover now