Chapter 5: MSDP

40.3K 303 31
                                    

Chapter 5: The Limits

CHARM'S P.O.V

"Oh em geee! Sana all may first kiss na fafa." kinikilig na turan ni Isaac sakin habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.

Maaga akong pumasok kanina para makausap si Isaac.

"So anong balak mo girl! Itutuloy mo pa din ba? Sa tingin ko kasi parang nagsisimula ka ng masaktan." seryosong turan nya sakin. 

"Anong pinagsasabi mo dyan! Hindi ako nasasaktan nuh! At never akong masasaktan ng dahil lang sa lalaki. Di mo ba alam na ako pa ang nagpapaiyak ng lalaki dami dami ng umiyak ng dahil sakin nuh? Kaya yung sinasabi mo na yan imposible." sabi ko sa kanya kaya naman nakita kong napailing-iling sya. 

"Malas mo day, kung sya ang maging katapat mo! Oh sige ganito nalang, itodo mo na ang pang seseduce sa stepfather mo." sabi nya kaya naman bigla akong napatingin ng seryoso sa kanya. 

"What do you mean?" takang tanong ko sa kanya ng makitang ngumisi sya. 

"Push his limits! Tingnan natin kung hanggang kailan nya ipipilit na maging stepfather mo kung ipapakita mo sa kanya na kunwari ay di pagiging tatay nya ang habol mo kundi ang maging lover-boy sya ng buhay mo."

Nakakaloko na turan nya sakin kaya napaisip ako. 

Bakit nga di ko yun gawin kay Fierce? Baka kapag ginawa ko ang sinasabi sakin ni Isaac ay tumigil na sya sa pangungulit sakin na maging stepfather ko na sya. 

All I need to do is to push him to his limits. 

***

Habang naglalakad ako papasok ng loob ng bahay ay narinig ko si Mommy at si Fierce na parang nag-uusap sa kusina dahilan para maglakad ako papuntang kusina. 

Nakita kong nakaupo sa table si mommy habang si Fierce naman ay hinahalikan sya sa leeg. 

Sa di ko malamang dahilan ay bigla ko nalang naikuyom ang kamao ko saka ako napasandal sa may pader. 

B-bakit pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Di ba dapat wala akong pakialam dahil magasawa naman sila? Bakit naiinis ako kay mommy bakit gusto ko magalit kay Fierce? 

Tama! Nagagalit ako kasi matapos yong aksidenteng nangyari sa may kusina rin mismo ay parang wala nalang sa kanya na na-halikan nya ako! Nahalikan nya ang sarili niyang stepdaughter. 

Di ko alam kung bakit nakaisip ako ng kalokohan sa isip ko kaya naman pumasok ako ng walang pasabi sa kusina at kunwari ay napahinto ako dahil sa gulat dahilan para bigla silang mapa-ayos. 

"O-oopps my bad, di ko kayo nakita na… by the way I'm here because of hunger." sabi ko nakita ko naman na pumunta si mom sa ref at may kinuhang dessert. 

"Charm anak, ito nga pala ang pasalubong kong cake para sayo, kanina lang kasi ako ulit naka-uwi galing France pasensya ka na anak kung napapadalas ang pag-alis ko pero pangako babawi ako sayo pati na ang Daddy Fierce mo." sabi nya habang hawak ang box ng cake sa harapan ko. 

"Mom did you forgot? Bakit mo ko papasalubungan ng cake if I can make one? Isa pa wala naman akong sinabing bumawi ka at pasalubungan mo ako, I'm matured enough para hindi ko hanap hanapin ang presensya ng isang magulang." sabi ko sa kanya saka sya nilagpasan at saka ako kumuha ng milk at cookies sa ref. 

"Charm ano bang sinasabi mo? Can you please atleast respect your mother, kaya sya umaalis ng bansa para sa kinabukasan mo kaya bakit mo ba sya pinagsasalitaan ng ganyan?" sabi nya kaya naman napatingin ako kay Fierce. 

"Wala kang pakialam kung anong gusto kong klase ng pakikipag-usap sa kanya! You're just my fake father so stop acting like I'm from your own flesh and blood dahil simula't sapul alam mo na ayaw kong palitan mo ang dad ko! Mapilit lang talaga kayong pareho kung di kayo titigil sa pamimilit sakin ako mismong kusang aalis sa pamamahay na 'to!" sabi ko sa kanila saka ako dire-diretso na lumabas ng kusina. 

At habang naglalakad ako papasok ng kwarto ko ay nanghihina na napa upo ako sa kama ko. 

Then suddenly I felt my tears fall in my cheeks.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Pero isa lang ang dapat kong isipin ngayon kung paano aakitin si Fierce para magsalita na sya kung bakit nya pinakasalan si Mom at kung hanggang kailan nya ba ipipilit na maging stepdad ko sya. 


Kinagabihan ay lumabas ako ng kwarto na tanging suot ay robe at lingerie. 

Actually sanay na akong magsuot ng mga revealing na damit dahil simula ng matured na ako mag-isip ay matured na din ako kumilos. 

Kaya naman ng makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Fierce at mom ay agad akong pumasok sa loob. 

I see them heavily sleeping. Kaya naman kinabahan ako ng makita kong gumalaw si Fierce at tumalikod kay Mommy. 

I felt nervous in this moment dahil baka mahuli kami ni Mommy.

Pero agad akong lumapit ng dahan-dahan kay Fierce saka ako sya hinaplos sa mukha dahilan para mapamulat sya at akmang tatayo ng senyasan ko syang wag mag-iingay. 

Agad akong nag lakad palabas ng kwarto nila at sinenyasan syang sumunod papunta sa may swimming pool side. 

Nang makita kong lumapit sya sakin ay agad ko syang sinunggaban ng halik at naramdaman ko ang sobrang pag bilis ng tibok ng puso ko. 

Nabigla ako ng itulak nya ako ng malakas dahilan para mapabitiw ako sa kanya. 

Nakita kong napasabunot sya sa buhok nya at napahilamos sa mukha nya. 

"What the hell are you doing?!" sigaw nya sakin kaya naman naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko pero pinigilan kong wag iyon bumagsak sa mga mata ko. 

"Di mo pa rin ba maintindihan?" seryosong tanong ko sa kanya. Kaya naman na pailing-iling sya. 

"Ano ba talagang gusto mo mangyari Charm? Hindi ko naiisip na magagawa mo ang bagay na 'to! K-kaya ba ayaw mo kong tanggapin na maging ama mo dahil—" sabi nya kaya naman agad ko na iyong pinutol. 

"Oo! I don't like you to be my father because I like you Fierce... I really do." malambing na turan ko para mas maniwala sya ng makita na pa buntong-hininga sya kaya naman nilapitan ko sya at hinaplos sa mukha bago sya niyakap ng mahigpit. 

"Hindi kayo bagay ni Mommy! Isipin mo Fierce you're to young for my mom. A-ako... Ako ang nababagay sayo." sinserong turan ko para mas maniwala sya sa mga pinagsasabi ko ng bigla nyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya. 

"Charm you're also too young for me! Look we have 11 years gap of age at alam ko na alam mong mali ang ginagawa mong 'to! I'm your mother's husband kaya naman lumugar ka Charm." sabi nya kaya naman nanguuyam ko syang tiningnan. 

"What the hell?! Bakit ba gusto mong ipilit sakin na maging dad kita! Ayoko nga Fierce ayoko! I can be your other woman, mistress or so whatever just please give me a chance to show you what I really feel for you." sabi ko sa kanya ng makita ko na napailing-iling sya. 

"Sorry Charm, but I can't... 







I don't want to have an affair with my daughter... My stepdaughter."

-----

To be continued...

My Stepdads Possession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon