Dati ( One Shot story )

656 15 12
                                    


-*-

Dati

by : Ohmarixx

Patingin tingin mula sa malayo , iyan ang palagi kong ginagawa sa tuwing makikita ko ang crush kong si Jan Michael . Nalove at first sight ata ako sa kanya eh . Schoolmate kami since grade school at ngayong high school ko lang siya naging classmate .

Sa tuwing magpapakita siya ng kabutihan , lalo lang akong nahuhulog at nahuhulog sa kanya .

Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa makinis niyang mukha , matangos na ilong , magagandang mata at mabait na pag-uugali .

" Charlene ! Charlene ! " sigaw ng teacher ko na gumising sa masarap kong pagkakatulog .

" Natutulog ka na naman sa klase ko . At napapansin kong madalas kang ganyan . Maiiwan ka dito sa room as your punishment , " sigaw ulit ng teacher ko .

" Sorry po , " ang mahinhin kong sagot sa mainit na ulo ni sir.

Ano nga bang nangyayari sa akin ? Hayy buhay nga naman , malalate akong uuwi .

Nagpatuloy sa pagtuturo si sir . Napangitin ako kay Jan Michael , mukhang seryoso .

* Dingdong * 

* Dingdong *

Sa wakas at uwian na namin.

" Okey you can go now , Ms. Charlene and Mr. Jan Michael stay here and wait for me , " sigaw ni sir .

Huh ?! Makakasama ko mag-isa si Jan Michael ?! Seriously ??

Iniwan kami ni sir , 10 minutes lang daw . Pero matagal din ang 10 mins ah . 600 seconds din iyon .

Kung tititigan mo lang siya ng tititigan , wala ring manyayari . Magtapat ka na kasi sa kanya .

Naalala ko ang sinabi ni Decerie sa akin . Tama nga naman siya but what if he dumb me ? Ayoko nun , mas gusto ko pang titigan siya hanggang sa makakaya ko . Atleast doon , hindi ako kakabahan .

" Charlene , " sabi ni Jan Michael na pumukaw sa isipan ko .

" Eh ? " maikli kong sagot .

" May itatanong lang sana ako , " sabi niya sabay lapit sa kinatatayuan ko . Jusko ! Huwag kang ganyan Jan Michael .

" A-a-ano naman iyon ? " nauutal kong sabi . Nakakahiya namumula na ako sh*t !

" May partner ka na ba sa darating na prom night ? " tanong niya . Oo nga no ? Wala pa pala akong partner .

" Wala pa nga eh , " sagot ko .

" Will you be my date ? May sasabihin din kasi ako sayo , " sabi niya sabay ngiti . Tumigil ang pintig ng puso ko tapos biglang bumilis ito .

 " Ah - eh - " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi biglang pumasok si Sir . Eksena naman ni sir eh . Bibinggon na eh .

 " Umuwi ka na Charlen , palalampasin ko muna ito since may kailangan kaming tapusin ni Jan Michael , " sabi ni sir sa akin .

Nakakainis naman , pinahintay pa ako sito tapos paaalisin din . Pero okey lang may kilig momments naman eh .

kinuha ko na ang bag ko , papaalis na sana ako pero pinigilan ako ni Jan Michael .

 " Wait , hihintayin ko ang saot mo after school , " sabi ni Jan Michael .

" sige , " sabi ko tapos umalis na ako .

 Agad kong tinext sila Decerie , Mark at Maribel. 

Pinapupunta ko sila sa bahay nila Maribel . Kailangan ko ng tulong nila para magdidisyon kung oo ba o oon oo ang isasagot ko .

 " Ano ? Niyaya ka ni Jan Michael na maging date niya sa prom night ?! " pasigaw na tanong sa akin ni Maribel. Kahit kailan talaga ang lakas ng boses nitong pandak na to .

 " Oyt , ang ingay mo masyado Maribel , " mahinhing saway ni Mark kay Maribel .

 " Pasensya na po , nakalimutan kong nasa kwarto ko kayo eh , " pilosopong banat ni Maribel . Bawal kasi kami sa bahay eh , strict si mommy when it comes to house .

 " Osya , back to topic , papayag ka ba Charlene ? " tanong sa akin ni Decerie  .

 " Boploks , kaya nga niya tayo pinatawag kasi hihingi siya ng payo eh ," banat na naman ni Maribel . You're so mean Maribel :(

 " Sorry naman , sa akin papayagan kita since matagal mo siyang crush . Inlababo ka na nga sa kanya eh , " sabi ni Decerie na halatang nairita kay Maribel . Bully kasi si Maribel minsan pero cute at mabait pa rin .

 " Atsaka chance mo na iyon para pagtapat ang true feelings mo sa kanya , " sabat naman ni Mark . Tama nga naman , chance ko na iyon para pagtapat ang nararamdaman ko sa kanya,

 " Go on a date with him , think positive . There's a possibility , " sabi ni Maribel sa akin .

 " Sige , makikipagdate ako sa kanya . Pagtatapat ko ang nararamdaman ko sa kanya , " sabi ko sa kanila .

 Kinabukasan after school ,

 " Charlene , tatlong araw na lang prom night na . Anong sagot mo sa tanong ko ? " sabi ni Jan Michael sa akin at sa harap pa talaga nila Maribel , Mark at Decerie . Ito namang si Decerie mas kinikilig pa kaysa sa akin ,

 " Oh - " hindi na natuloy ni Decerie ang sasabihin niya kasi tinakpan ni Mark ang bibig niya ,

 " About dun ,

 sige pumapayag ako , " pangiti kong sagot sa kanya ,

Ngumiti si Jan Michael sa narinig niya . Maski ako , napangiti sa sagot ko eh . Keep the fighting spirit Charlene .

 Ilang araw ang nakalipas ,

isa ,

dalawa ,

tatlo ,

prom night na , anghinihintay kong araw .

Sinuot ko ang red gown ko with a matching high heels and red small bag . Tinulungan ako ng momy ni Maribel sa make up ko .

Partner ko si Jan Michael ^_^

si Decerie at Mark naman ang partner tapos si Maribel at ang sarili niya . Gusto ata niyang maging forever alone eh .

 Masaya kami ng sobra tapos ang naging prom queen ay si Lenny ang classmate namin .

Si Maribel naman ang best in gown tapos kaming dalawa ni Jan Michael ang best pair ^_^

 Bago kami umuwi , nagpunta muna kami ni Jan Michael sa garden . Grabe ang saya ko ngaun .

 " Charlene ! " panimula ni Jan Michael . Tinititigan ko lang siya .

 " Sa totoo lang , first time kong gagagawin ito . Nalove at first sight ata ako sa ganda mo ,"pagtatapat ni Jan Michael sa akin .

Badup , Badup , Badup !

Ang puso ko , ang bilis na naman ng pagtibok .

 " May nararamdaman ka ba sa akin ? " tanong niya sa akin . Hindi ako makapagsalita .

Maya-maya pa, niyakap niya na ako . Sunod- sunod na ang luha ang tumulo sa mga mata ko .

 " Mahal mo ba ako , Charlene ? " muli niyang tanong .

 " Dati pa , " sagot ko .

 Tumingin siya sa mata ko na lumuluha pa . Walang tigil ang pag-iyak ko , tears of joy ika nga .

Bigla na lang naramdaman ko ang isang matamis na halik mula sa taong minamahal ko .

 Pagkatapos ng araw na iyon . nagsimula na kaming lumabas ni Jan Michael . Tama nga ang sabi nila . 

Hindi mo makukuha ang isang bagay kung tititigan mo lang ^_^

 The End .

 A/N : What can you say ? Don't forget to leave any comment ha .

Dati || One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon