Akala ko (Oneshot)

133 9 9
                                    

Akala Ko... (Oneshot)

Written By: Ainne Marie Lai

Akala ko tayong dalawa hanggang sa huli.. 

Akala ko di mo ako iiwan hanggang sa huling hininga... 

Akala ko di tayo maghihiwalay... 

Akala ko di ako patitinag sa mga pinagsasabi nila sayo...

*** 

Unang- una pa lang kita nakita, akala ko isang birhen ang dumalaw upang ako'y paibigin muli...

Maganda... Sikat...

Ako'y nanligaw sa iyo...nang napakahabang panahon ..... dinaig ko pa ang mga kabanata ng mga teleserye sa haba ng paghihintay ko sa iyo..

Tinanggap mo ang pag-ibig ko para sa iyo...Ako'y iyong naging Nobyo...

Akala ko wala nang makapaghihiwalay sa atin nung panahon na iyon...

Hanggang sa isang araw nakarinig ako nang isang balita na nakapagpagimbal sa aking pagkatao...

'Nanlalaki ka raw..'

 

Nasaktan ako... Naisip ko, totoo ngang manloloko ang mga babae...

Kaya sinaktan din kita...nang hindi man lang tinatanong ang totoong nangyayari...

Nambabae ako...Humalik ako sa iba't ibang babae...sa harapan mo..

Akala ko maiibsan ang sakit na nararamdaman ko...

Akala ko matutuwa akong umiiyak ka sa sakit...

Mali pala ako...

Gusto kitang kausapin pero mas nangingibabaw pa rin ang kataksilang ginawa mo sa akin na hindi ko alam kung totoong nangyari...

Hindi nakita pinagpaliwanag..

Sabi nang utak ko tama lang ang ginawa ko sa iyo pero umiiyak ang puso ko sa pinaggagawa ko sa iyo...

Hanggang sa isang araw... 

Nabalitaan kong naaksidente ka...dead on arrival ka na daw nang ika'y makarating sa ospital...

Para akong pinugutan nang ulo sa narinig ko... 

Kasabay din nun ang paglabas nang katotohanan na hindi totoo ang mga pinagsasabi nila sa iyo...

Sana ako na lang pala ang namatay...Napakaga*g* ko!!

Lumipas ang mga araw, libing mo na... hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari...sayo at sa atin...

Matapos nun... May ibinigay sa akin yung kapatid mo...isang liham...  

May mga bahid ng dugo ang sobre...at nakalagay sa sobre na...para kay Jaime....para sa akin...

Binuksan ko kaagad iyon...

Dear Jaime,

Kung nababasa mo ito ngayon malamang patay na ako... Salamat sa lahat nang ginawa mo para sa akin...Alam kong galit ka pa rin sa akin, pero kung ano man ang kinagagalit mo sa akin...Sorry...sana maging masaya ka sa buhay mo... mahal na mahal kita, ikaw lang ang lalaki minahal ko sa tanang buhay...

Nagmamahal, 

Caitlin

Akala ko hindi kami maghihiwalay habang buhay...

Akala ko niloko ako...nang babaeng pinakamamahal ko...

Akala ko matutuwa ako pag nasasaktan siya...

Akala ko...

Sana pala nagtiwala ako sayo...

Totoo nga ang sabi nila maraming namamatay sa maling akala...

~The End~

(Author's Note: Yesssssh! 1st time kong makagawa ng oneshot...achievement!!!- Ainne)

Akala ko... (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon