Feelings of Mine
How many minutes did I just waste looking on this blinking line in MS word. Until now, ni isang word o sentence wala pa rin akong nabubuo.
Feel na feel ko naman ang pagsandal sa headboard ng kama ko. Habang nasa lap ko lang itong laptop, at komportableng nakapatong ang mga daliri ko sa keyboard nito, pero walang pumapasok sa isip ko. Imbes na dito sa story na kailangan kong matapos by this weekend ako nagco-concentrate sa mga chismosa kong kaibigan naman talaga nakatuon ang buong atensyon ng utak ko. Kung hindi ko matatapos to mapapagalitan na naman ako sa org namin.
Well, I'm really trying my best to concentrate on what I'm doing. But I just can't ignore them. Nandyan lang naman silang apat sa harap ko nagchichismisan, with their loud voices. Even though I told them, how many times, to lower there voices.
Kesyo si ganito daw buntis na at hindi naman daw kagwapuhan ang nakabuntis. Yung high school classmate naming malandi may bago na naman daw nilalandi. Hindi ko naman itatanggi na ayaw ko sa chismis. Definitely isa din akong dakilang chismosa kagaya nila pero wrong timing naman ang pagpunta nila dito sa bahay para makipagchikahan.
At ang mga babaita ang ganda ng higa at upo sa napakafluffy kong carpet habang kumakain ng kung anu ano. Samantalang ako nagrurush na naman sa gawain ko. Hapon na at wala pa rin akong nasisimulan.
Hindi ko naman sila pinapansin at ganun lang din sila sakin, sadyang namamagnet lang ang tenga ko sa pakikinig sa kanila.
Pero nang mabanggit nila ang pangalan nya mas naging aware ang pakikinig ko at napatingin na rin ako sa kanila. And same as I am, all of their eyes are on me. Kaya ito, ako na naman ang nasa hotseat. At nasimulan na naman ang pang aasar at pangungulit sa akin.
Ako nga pala si Hope, third year college student, at higit sa lahat madalas ako ang center of attraction pagdating sa asaran ng barkadahan. Kaya dahil sa naging reaction ko sa pagbanggit nila ng pangalan nya nagsimula na naman sila. At ilang beses ko rin bang sasabihin sa kanila na wala na kami sa buhay ng isa't isa. Matagal na nung huli naming interaction, and after that wala na, as in wala nang communication. So I didn't expect na mababanggit pa sya sa usapan.
Kung iisipin ko, paano nga ba nagsimula ang pang aasar nila sakin sa kanya...
Two years before, wala akong kilalang Kurt sa buhay ko. Hindi ko talaga lubos maisip na magiging kaibigan ko ang mokong na yun. Kung tutuusin hindi naman kami personal na nagkakilala, ang gusto ko lang naman talaga nang mga panahon na yun ay ang maghanap ng cute guys sa facebook na pwede kong maging friends.
Nung mga panahon na yun sobra ang pagka-adik ko sa facebook dahil kakagawa ko lang ng fb account ko. Alam nyo na uso ang padamihan ng friends. At katulad lang ako ng ibang teenage girls na mahilig sa mga cute guys.
And one of my friends, specifically Althea, leads me to him. Which is isa sa mga naging classmate nya nung highschool na cute nga daw. I search him and find him cute like what she has told me. So I added him and unexpectedly he accepted my friend request, and doon na nga nagsimula ang lahat.
Naging magkaibigan nga kami yun nga lang sa social networking site na facebook lang. And the only thing we know on each other is our names and some info on our timelines.
Akala ko talaga we will just end like that, our names would only be just a ghost in each other friend list. But the next thing I know is we're already talking to each other. Pero hindi yung literal na magkaharapang nag uusap kundi through chatting. And there's this feeling inside me that blooms. Nakuha nya yung atensyon ko at lalo akong naging interested sa kanya. Masaya ako kasi nakakausap ko ang isang tao na sobrang opposite ng personality ko and a guy whom I think that is out of my league. Nalaman ko na sikat pala sya sa school nila. So I'm overwhelm because he noticed me. It's like a privilege for me and I'm very happy with that.
![](https://img.wattpad.com/cover/25402857-288-k937802.jpg)
BINABASA MO ANG
Feelings of Mine
Short StoryJust like any other girl, she used to know the feeling of being special.