Sa wakas natapos ko din ang aking first ever written story. Hindi man ito kasing ganda ng ibang story dito sa wattpad pero full effort talaga ako para matapos ko ito ng maayos at para magustuhan nyo.
Unang una sa lahat gusto kong pasalamatan si God dahil ginabayan nya ako sa pagsusulat ng kwentong ito. At syempre nagpapasalamat din ako sa mga nagbigay ng oras para basahin ang gawa ko. Maraming maraming salamat dahil kahit papanu may mga tao pa ring nakaappreciate ng story ko.
Ngayon ko lang narealize na sobrang hirap pala magsulat ng isang story. Bawat salitang isusulat mo dapat piling piling at pinag iisipang mabuti ang takbo ng kwento. Isang pagkakamali mo lang pwede nang masira ang kwentong isinusulat mo. Kaya saludo talaga ako sa lahat ng writers. The best kayo mga idol.
And lastly gusto kong magthank you sa nag iisang Alyloony. Kasi kung hindi dahil sa kanya wala din ang kwentong ito. After kong mag story marathon sa lahat ng mga kwentong gawa mo, sobrang nainspired talaga ako sayo Ate Aly. Isa ka sa naging inspirasyon ko at katulad mo umaasa din ako na balang araw pwede rin akong isang magaling na writer.
Again, thank you thank you sa lahat ng nagbasa.

BINABASA MO ANG
Feelings of Mine
Short StoryJust like any other girl, she used to know the feeling of being special.