CHAPTER 1:MEET THE KINGS

24 0 0
                                    

"Kyaaaaaaaaah"

"Oh my gosh andyan na sila"

"Ang hot nilang lahat"

"I LOVE YOU "

"Nakatingin siya sa akin,

Nakatingin siya sa akin"

"I need air"

"Ang gwapo nila"

"Akin ka na lang"

Ilan lang yan sa maririnig mo sa mafia academy.Araw araw yan tuwing dumadating ang kanilang mga hari ang black majesty at white royalty.Kala mo kung anong meron dumating lang naman ang mga campus hearthrobs.Sa left side makikita mo ang isang grupo ng mga lalake na lahat ay nakaputi.Pinangungunahan ng kanilang leader na si arch at ang kanyang mga member na sina rr, zander, aeven at nathan.

Lahat ng kanilang mga fans ay halos mamatay na sa kakatili at kakahabol sa kanila.Wait pakilala ko sila sa inyo.

Meet Archelaus Andrew Fortalejo. "The King of White Royalty "ang leader ng white royalty.Siya ang pinakamatanda sa grupo nila but 1 taon lang naman ang tanda niya.Siya ang pinakamalakas sa kanilang lima at siya din ang pinakabasagulero.Ayaw niyang tinatawag sa second name niya pag hindi sila close. Arch o King ang tawag sa kanya sa school.Pero ang barkada niya Drew ang tawag sa kanya siyempre close sila.At higit sa lahat siya ang mortal na kaaway ng leader ng kabilang grupo at siya rin ang pinakaprotective na kuya.

Meet Kent Nathan Anderson ang pinakamabait sa grupo.Siyempre joke lang yun mga gangster nga sila di ba.Nate yan ang tawag sa kanya ng mga ka grupo niya.Sinabi kong mabait siya dahil siya ang pinakatahimik sa kanila at kaya niyang kontrolin ang sarili niya sa harap ng maraming tao di tulad ng mga kaibigan niya.Pero kapag yan di na nakapagpigil at nagalit humanda ka.Siya rin ang pinakamalapit kay arch.

Meet Alexander Zion Maxwell a.k.a Zander. Ang pinakamakulit at pinakamasayahin sa kanila.Siya lang din ang nageentertain sa mga fans nila at alam niyo na yun.Siya rin ang troublemaker pero unang aalis pag may trouble na.Pero hindi naman sa takot daw siya, ayaw lang daw niya masira yung maganda daw niyang mukha.

Meet Ivory Aeven Cyrus.Aeven tawag sa kanya kasi ayaw niya na tinatawag siyang ivory para daw kasing babae.Siya ang pinakabully sa kanila pero siya din ang pinakapikon.Kunting asar lang sa kanya magkakaroon na agad ng rambolan.Siya ang pinakanaughty at childish sa kanila malay ko ba anong problema nun at ganyan siya.At ang huling member

Meet Raniel Rainne Anderson.Oo tama kayo anderson kapatid siya ni nate.Pero sobrang kabaligtaran siya ni nate.Siya kasi ang pinakamaingay sa kanila at ang pinakaplayboy.Araw-araw iba-iba babae niya di pala oras oras ay minu minuto pala.Parang di sila magkapatid ni nate pero magkapatid sila mas matanda lang ng 1 minute si nate.Kambal sila fraternal twins pero medyo magkahawig sila.

Ay nakalimutan ko na yung isang grupo baka magalit.Makikita naman natin sa right side ang black majesty na lahat ay nakaitim parang may namatay pero joke lang baka ako ang mamatay hindi dahil papatayin nila ako pero pwede na rin.Pero ano kasi aish! ano ba yan!eto na nga secret lang natin to ah kinikilig kasi ako sa kanila. Actually hindi lang sa kanila pati dun sa kabila. Fan din kaya nila ako. Back to the topic. Yung mga black na suot nila bagay na bagay sa kanila para silang nagmomodel ang lalakas ng appeal at ang hot.Ay kung ano ano nang sinasabi ko oh eto papakilala ko na sila sa inyo.

Meet Blake Terrence Smith.Wala siyang pakialam sa mundo mayroon kasi siyang sariling mundo. Lagi siyang may hawak na book kumbaga para siyang nerd na gangster na gwapo ay basta. Pero kahit para siyang nerd ay kung makipag-away yaan sagad sa buto. Tatahimik tahimik pero napakabasagulero niyan.He is so weird di ko siya maipaliwanag.

Meet Shawn Dylan Jimenez or Shawn.Ang tagapayo nila sa grupo totoo yan maniwala kayo.Tagapayo siya ng gagawin nila tama man yan o mali. Oo nagpapayo siya ng mali tulad na lang kung saan nila bubugbugin ganun. Pero MINSAN(nakacapslock na yan ah) seryoso yan pag alam niyang sobrang mali na pero syempre minsan lang yun mas madalas lagi siyang gago at nasa panig ng kasamaan.Pero pag siya nagseryoso dapat makinig ka at sulitin na kasi minsan lang yan maging Man of Wisdom.

Meet Lance Jhasper Scott a.k.a LJ cousin ng leader nila o king.The player.Hindi siya player ng sports siya ay player ng babae means playboy.Lahat ata ng magagandang babae particularly cheer leaders iniisa isa niya.Kawawa naman sila.Kasi di naman niya nililigawan ginagamit niya lang.Hay ano yun collection ang babae.

Meet Zyd Aeign Curt Kingston o also known as ZACK.Bestfriend ng leader nila at syempre partner in crime.Mas close pa nga ata sila kaysa kay Lj na pinsan ng leader nila.Makulit siya at laging nagjojoke pero corny naman.Para siyang guardian ng grupo kasi siya lagi yung taga ayos ng pangalan ng grupo nila kapag nagkakaroon ng away.

At last but not the least the leader of the black majesty.Their black king the most powerful and influential person.Meet Jeydon Enzo Thyler Scott a.k.a JET.Family and friends lang ang pwedeng tumawag sa kanya niyan. Kasi tawag sa kanya sa school master or king or majesty.Huwag na huwag mong babanggain ang grupo nila lalong lalo na siya.Magsisisi ka lang talaga kung bakit mo ginawa yun. Dahil si master/king/majesty or my loves este jet ,dahil wala ata siyang kinakatakutan ay wala pala talaga walang ata totoo yun.Mapababae man o lalake pinapatulan niya at di pinapalagpas.

Oh ayan na meet nyo na sila.Lahat ng member ng black majesty at white royalty.From their leader up to their member.Alam niyo na rin ang do's and dont's.Dapat sinusunod sila dahil nga sila ang namumuno.At ang alam ko ayaw daw nila sa isat isa.Bakit kaya?
Let's find out why?

💗💗💗💗💗
~PRINTET~

MY LOVER IS MR.PPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon