NCTL 2

17 1 0
                                    

alas-singko palang gising na ako. masyadong excited para sa interview ko..

nagluto na muna ako ng agahan para pagka gising nila kapatid kakain nalang sila. may mga pasok din kasi sila ng alas- siyeta, tulad ko mga scholar din sila. nasa private school. Si Carlo, yung sumunod sakin nasa 4th year highschool na. Si Agnes naman nasa 2nd year. Matatalino naman kasi sila kaya pinalad na makapasok sa private school kaso minsan naawa ako sa kanila dahil nabu-bully daw sila dahil iba nga ang status ng buhay namin sa mga estudyanteng nag-aaral doon na mayayaman. pero kahit ganun pa man deadma lang ang mga kapatid ko. wala daw silang pakialam sa sinasabi ng iba. ganun dapat!

matapos kong magluto ng itlog at sinangag, nag ayos na ako ng susuotin ko para mamaya. Beige na long sleeve ay pencil cut na skirt ang isusuot ko at high heels na hiniram ko kay Julia. wala kasi akong high heels na sapatos eh.

mga alas-sais ginising ko na ang mga kapatid ko dahil papasok sila.

" kumain ng marami para may resistensya sa school" sabi ko sa kanilang dalawa.

" opo ate." sabi nila ng sabay.

" ate diba interview mo ngayon?" tanong ni Carlo sakin.

" oo. sana matanggap ako para hindi na puro itlog at tuyo ang agahan niyo. mag ho-hotdog,bacon,ham,pancake and etc. na ang matitikman ng masisipag at maganda't gwapo kong kapatid!" sabay pisil sa pisngi nila na natatawa.

" ate, oo naman matatanggap ka! ikaw pa ba? tsaka ate kahit araw-araw pa tayong mag-agahan ng itlog at tuyo ayos lang basta may kinakain. di naman kami nagrereklamo." na-touch naman ako kay Agnes.

" tama si Agnes ate. walang problema kahit ano pang kainin natin basta sama-sama tayo at masaya. walang sakit at problema okay na!" masiglang sabi ni Carlo.

Napaka thankful ko sa kanilang dalawa dahil napaka bait ant maunawain..

sabay-sabay na kaming lumabas ng bahay. Nilalakad lang nila ang eskwelahan dahil malapit lang naman samin yun.

" mag iingat kayo ha!" paalala ko sa kanila.

" ikaw din ate."

kinawayan ko na sila at nag abang ng jeep na sasakyan. Woohhh! medyo kinakabahan ako sa interview pero alam ko kaya ko to!

nakasakay na ako ng jeep at nakarating agad sa bus stop dahil maaga pa naman at wala pang masyadong sasakyan kaya smooth at mabilis ang biyahe. Nakasakay din naman agad ako ng bus dahil may naka stop narin ng pagbaba ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Cross The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon