imula
----
Dear Diary,
Hindi ko akalaing magagamit ko itong 'kulay pink na kikay notebook' na ibinigay ng bestfriend kong si Corazon.
Hindi ko din inakala na darating ang araw na magsusulat ako dito at susundin ang idea ni Cora na mag diary dahil hindi daw ako showy na tao kaya mabuti pa raw ay isulat ko na lang ang lahat ng ayaw kong ipadama at ipakitang emosyon.
Ang main purpose mo sa buhay ko diary ay ang maging listahan ng mga bagay tungkol sa aking 'love life'.
Yeah,love life kahit wala akong nun.NBSB ika nga.Pero dahil naisip ko na tama nga naman si Cora nung sinabi niyang 'huwag mong iburo ang kagandahan mo at subukan mong mag mahal baka sakaling maging jolly ka'ay sisimulan kong i-figure out kung ano nga ba ang gusto ko sa isang lalaki dahil sa dinamidami ng nagparamdam at nagtangka na mangligaw ay wala man lang pumasa.Wala yung sinasabi nilang 'bumilis ang tibok ng puso ko na parang hinahabol ng kabayo' at yung 'tumigil ang mundo ko nung makita ko siya'.
Hindi ako maghahagad ng fairy tale love story,all I want is something that will change my 'stagnant' and 'boring' life as told by my one and only Cora.
Wala ka namang choice diary kung hindi samahan akong alamin at hanapin ang aking 'IDEAL BOYFRIEND' kung sakali lang naman na makakatagpo ako.Nasasawa na rin kasi ko sa araw-araw na routine ko.Ngayon ko lang narealize na boring din pala ang buhay ko.
'Walang kulay,walang kaganagana,walang kalandian at kakikayan' ilan lang yan sa araw-araw na sinasabi saakin ni Cora.I need some changes,for the better.
And I need a BOYFRIEND