Dylan!!!!!!!! Sigaw ni ate ... Isa pang malakas na putok ng baril ang nanggaling naman saakin ...
Head shot... ...Hospital..
Ok na po ang pasyente nadaplisan lamang po ito ng bala..sabi ng doctor na kausap ni ate... Salamat po sagot naman ni ate nakangiti na ito hindi katulad kaninang umiiyak ito ng umiiyak... Nagkaayos na din kami ni ate para hindi makasama sa kanya at sa baby nya..
Habang nakaupo ako sa sahig dahil hinihintay namin ang paglipat kay dylan sa ibang kwarto at lumapit saakin yung mga gago...
Lyka!! Asan sila jennie??!!tanong ni terrence
Nasa private island sila ni francis...
Ha??!! Sabay sabay nilang sabi.. Tsk... Oo saka pagkagaling ni dylan pupuntahan natin sila at isasama pauwi...Napansin kong hindi na ako kinukulit ni xian ... Siguro....ewan ko....namimiss ko na tuloy yung pangungulit nya... Shit ano ba tong iniisip ko...
Xian pov...
Nakaupo lang ako sa isang tabi at nanonood sa kanilang nag tatawanan.. Nakita ko din ang pagtitig saakin ni lyka kaya tinitigan ko din ito parang wlang nangyari dahil sa expression nya...
Iniisip ko kasi yung sinabi ni darrel kay lyka... Hindi lang sila ang kalaban .. May iba pa... May iba pang kalaban ang mafia boss dahil isa ako doon partners kami ni lyka pero masmatGal na akong naging boss kesa sa kanya.. Marami akong kilalang kalaban ng org. Namin pero d parin sila makita dahil sa mahigpit ang security nila at hindi ako masyadong magaling sa pag hack ng mga devices ....Pero may nasabi saakin si daniel na magaling mag hack ..... Si lyka.. Kahit anong device pa yan kaya nyang i hack kahit gaano kahigpit ang security nila.. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko...hindi talaga ako childish eh... Sadyang kailangan lang... Kasi isa sa kalaban ng org. Namin ay ang org. Nila kuya... Oo mafia boss din si kuya.. Sabahay kasi maypagka isip bata ako pero pag nakamadkara ako kabaliktaran nito ang sarili ko..
Nakita kong tumayo si lyka at tumungo palabas ng hospital kaya sumunod ako sa kanya..pagkalabas ko nakita ko syang sumakay ng Lamborghini nya kaya sinundan ko sya sumakay din ako sa latest Ferrari ko...
Maya maya pa ay tumigil sya sa isang.....ampunan??!! Bumaba sya at pumasok kaya sumunod din ako... Hindi pasya nakakapasok sa gate ay sinalubong na sya ng mga batang nasa anpunan.. Nakita ko ang ngiting totoo...Ngiting kahit sino kayang mahulog ng ganon kadali..
Pero nataranta ako ng mapansin ako ng isang bata at tinanong kung kasama ako ni lyka... Humarap naman si lyka at nagulat dahil sa nakita nya.. Eh pano ba naman halos lahat ng bata pumalibot saakin..,
Xian!! Anong ginagawa mo d2??! May pagkairita sa boses nya... Bakit bawal bang dumalaw sa mga bata?? Saka dadalawin ko din si sister jenjen...nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nya... Sakto namang dumating si tita jenjen.. Pero shhhh... Lang kau ha.. Oo tita ko sya gusto kasing mag sister eh kapatid sya ni papa ... Kung tatanungin nyo kung nasan ang magulang ko?? Wla na pinatay sila...
Xian!!! Sabi ni tita at niyakap ako ng mahigpit.. Buti naman napadalaw ka... Nakangiting sabi nito... Oo eh...sitita 21 years old pa lang kayamadalas jen jen lang tawag ko sa kanya...
Tsk ... Childish na nga playboy pa pati si sister pinapatulan..narinig kong bulong ni lyka.. Kaya napatawa ako bg mahina.. Alam kong hindi ito narinig ni tita dahil sobrang hina talaga ng pagkasabi nito...
Sister jenjen.. Si harold po?? Agaw atensyon na sabi nito ...napatingin naman si tita sa kanya.. At ngumiti... Lyka nandoon sya sa loob nilalaro ang ibang bata...

BINABASA MO ANG
When the Childish Girl Turned into a Cold Hot Mafia Queen
RandomIsang simpleng babae masayahin maalaga mapagmahal mabait at marami pang iba ang taglay nyang kabutihan ngunit dahil sa isang lalaki nag bago ang lahat ang dating masayahin naging malamig ang dating maalaga naging wlang pakealam sa madaling salita an...