Prologue

3 0 0
                                    

Sta. Monica City, Thagaste 1998

8:00 AM
St. Augustine General Hospital

Isang abalang araw para sa limang ektarya at limang palapag na ospital sa Sta. Monica. Hindi ka na magugulat pa sa dami nang tao at pasyente rito dahil ito ay ang pinaka sikat at pinaka malaking ospital sa Thagaste. Ang ospital na ito ay para sa lahat ng klase nang pasyente. Kaya ganuon din kadami ang mga doktor sa ospital na ito.

Sa labas ng ospital ay may makikitang isang malaking fountain na may mga iba't ibang bulaklak na nakadisenyo sa paligid nito. At isang kilometro ang layo ng fountain na ito sa mismong kalsada upang makaiwas sa trapik at may sapat o wastong sariling kalsada ang mga sasakyan at ambulansya na patungo sa ospital na ito.

Sa labas din ng ospital ay may sampong gwardya ang naglilibot at nagbabantay para sa kaayusan ng paligid. May ilan ding hardinero ang nagaayos at nagdidilig ng mga halaman at bulaklak na nasa mga gilid gilid. May mga streetsweepers din na nagwawalis ng paligid dahil sa mga nagkalat na mga dahon mula sa mga puno sa gilid gilid.

Sa kanang parte sa labas ng ospital ay ang daan patungong emergency room. Sa kaliwa naman ay ang daan papunta sa entrance ng mga bisita, pasyente at staff. At sa gitna ay ang daan papunta sa entrance na tanging mga doktor, nurse, board of directors, unit heads at department chiefs.

Maya maya ay may anim na kotseng nagsidatingan. Lumabas ang mga ito sa kanilang mga sasakyan at ibinigay ang susi sa mga valet na silang nagdriver ng mga sasakyan patungo sa underground parking area sa likod.

Ang anim na taong iyon ay ang isa sa mga respetadong doktor, hindi lang sa ospital na ito kundi sa buong Thagaste. Sabay sabay silang umakyat sa sampong palapag na hagdanan papunta sa pinaka main entrance ng building.

Pagkarating nila ay binuksan ng dalawang gwardya ang makintab at malaking double-glass door. Binati sila nang dalawang gwardya. Ang anim na doktor ay dumiretso sa frontdesk, binati sila nang staff at iniabot ang log book upang sila ay mag log in, kasunod ay ang pag-tap nila nang kanilang fingerprint sa biometric fingerprint scanner.

Ivy Figueroa
Urological Unit
Surgeon Section

Tristan Silvestre
Transplant Unit
Surgeon Section

Diana Admirable
Orthopaedic Unit
Surgeon Section

Gabriel Vivale
General Unit
Surgeon Section

Tatiana Devora
Cardiothoracic Unit
Surgeon Section

Sebastian Cartago
Neuro Unit
Surgeon Section


Ang anim na ito ay magkababata simula palang nuong sila ay gradeschool student. Ang kanilang mga magulang naman ay magkababata rin nuon kaya naman nasubaybayan nila ang paglaki nang isat isa. Mula sa pagtungtong ng mga bata sa unibersidad ng Thagaste hanggang sa pagkakaruon ng mga ito nang lisensya bilang doktor. Kaya ganuon na lamang ang hanga nang mga tao sa kanilang anim.

Sumakay na silang anim sa elevator papunta sa 4th floor. Bawat madaanan nilang mga staff ay binabati sila nang magandang umaga at yumuyuko ang mga ito sa kanila bilang paggalang. Kapalit ng mga iyon ay ang pagyuko din nila sa mga bumabati sa kanila bilang pagrespeto rin. Maliban kay Sebastian na nakasimangot ang mukha at tanging tango lamang ang pagbati sa mga bumabati sa kanya.

Nang makarating na sila sa ika-apat na palapag ay nagpunta na sila sa kanya kanyang opisina o unit sa Doctor's Offices.

Samantalang si Sebastian ay nakasimangot padin na nagpatuloy sa kanyang unit. Nakasalubong nya ang ilan sa mga specialists at binati siya nang mga ito. Ngunit pagyuko lamang at konting ngiti ang isinagot ni Sebastian at dumerecho na sa Surgeon Section ng Neuro Unit kung saan naruruon ang mga opisina nang mga neurosurgeon.

Itinapat nya ang kanyang mga mata sa biometric retinal scanner at kusang na-unlock ang pinto nang kanyang opisina. Kinuha nito ang remote control ng aircon at binuksan ito. Naghubad siya nang kanyang suot na plain black polo dahil sa init ng ulo nya.

Padabog syang umupo sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sentido.
"Bakit ba kasi hindi sila nagsabi kaagad?" Buntong hininga nito habang iniisip ang kanyang mga kapatid.

Kinuha nito ang telepono sa gilid ng lamesa nya at tinawagan ang kapatid nya. Makatapos ang ilang ring ay sinagot ng kapatid nya ang tawag.
"Hello, Markus. Anong lagay mo ngayon?"

"Pasensya na kuya di ako nagsabi agad sayo. Akala ko kasi gagaling din to agad. I promise I'll be better soon."

"You should, Markus. Where's mom? Tell her na ipapatransfer kita dito sakin para mamonitor kita."

"You know mom would be mad---"

"Ako ang bahala sa expenses, just do it. Di ko na hahayaang may mawala ulit sa pamilya natin."

"Hays. Okay, kuya. I will tell mom. Kay ate Tati mo ba ako ipapatingin?"

"I hope not, she's a heart surgeon, do you want to have a surgery?"

"Ofcourse not!"

"Then sa cardiologist kita ipapatingin. Matulog ka na muna jan. I will send ambulance to transfer you here."

"Okay kuya bye."


Nagbuntong hininga si Sebastian at naalala nanaman ang pangalan ni Tatiana.

La Venganza de TatianaWhere stories live. Discover now