Bakit kaya may mga sitwasyon pang dapat dumating para lang tayo matuto? Bakit hindi pwedeng masaya nalang para lahat ng makikita mo perpekto.. Bakit kung sa tuwing makikita mo ang sarili mo na nalulungkot ang pakiramdam mo pinagkaitan ng mundo? Bakit? Bakit? Bakit?
Ang daming bakit? ang daming paano? ni hindi mo alam kung saan ka dapat magsimula sa dinami dami ng problemang narararnasan mo.. naiisip mo nalang na hindi mo kayang gawin kasi mahirap.. kasi masakit.. paano kung matalo ka.. paano kung madisapoint ka..
Bakit kaya hindi mo simulan sa sarili mo? bakit kailangan ba pag sabay sabay dumadating ang problema sabay sabay mo ding resolbahin? Pag ba nareject ka kelangan bang dibdibin? pag ba nadissapoint ka ibig sabihin hindi na ulit pwede pang subukan muli?
Lahat ng bagay may dahilan kung bakit ngyayari.. Lahat ng bagay hindi mangyayari kung walang dahilan. Isipin mo nalang kung lahat ng nakikita't nararanasan mo perpekto? paano ka mag ggrow? paano ka matututo? Minsan kailangan mo lang ienjoy ang mga bagay bagay.. Seryosin mo pero wag mong dibdibin..
Mahirap? oo mahirap! wala namang bagay na madali eh.. walang sitwasyon na madali.. pero nasasayo kung paano mo panghahawakan at paano mo paiikutin sa palad mo yung mga bagay na nangyayari sayo..
Masakit? sa tingin mo ba pag hindi ka nasaktan maiintindihan mo yung dapat mong maintindiihan? Yung dapat mong i-improve sa sarili mo? Yung dapat na kung hanggang saan ka lang? sana naman natuto kana dun..
Walang taong hindi nasasaktan sa taong nahihirapan para abutin lahat ng pangarap nya! mahirap sa umpisa pero alam mo kung ano yung importante dun? Yung tiwala mo sa sarili mo. Yung paghingi mo sakanya ng gabay..
Lahat ng tao sa paligid pwede kang iwan. Pwede kang lokohin. Pwede kang saktan. Pwede kang apihin. Lahat ng pwede mong makita at maransan para lang mawala ka sa focus nasa paligid lang. Life is a matter of choice. Pag pinili mong masaktan ka nalang forever ginusto mo yan. Panindigan mo.
Sa mundong ibabaw wala kang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang sarili mo ang Diyos. Lumaban ka lang ng lumaban! Wala naman mawawala kung panghahawakan mo ang mga pangako nya eh. Walang mawawala kung mas uunahin mo syang mahalin kaysa sa sarili mo, sa ibang tao, at sa ibang bagay. Lahat naman kasi nagmula sakanya. Kaya yang mga nararansan mo sa buhay bago mo pa madama lahat ng problema may solusyon na yan. Inaantay ka lang nyang lumapit sakanya. Nakakapagod ipaglaban ang sarilli mag -isa.
Mahirap ba lumapit sa sarili mong AMA?