Chapter 4

32 0 0
                                    

Chapter  4

Suplado

Tanaw mula sa paanan ng nagyeyelong bundok ang malaking palasyo ng Nieves. Kulay puti ito at tila ba nahahawig sa kulay ng niyebe, kung hindi lang dahil sa matingkad na asul nitong bubong ay maaaring hindi na ito matanaw kahit pa sobrang laki nito. Karamihan sa mga punong nakikita ay may dahong kulay dark green, at may kahoy na kulay itim.

Hindi man bumabagsak ang niyebe sa panahong ito, mistulang nananatili ang mga niyebeng naiwan sa lupa. Hindi raw ito nalulusaw kahit dumaan pa ang maraming panahon na hindi bumabagsak ang niyebe. Sadyang malamig ang klima sa bayang ito dahil kalapit na nito ang mga karatig na kaharian sa hilaga, kung saan ay matindi ang lamig na mararanasan doon.

Kasalukuyan pa kaming nasa kotse, at si Zacheus ang nagmamaneho nito. Nakatanaw lang ako sa gilid ng kalsada. I am very fascinated to everything that I see outside, though this is not my first time to see a land full of snow, or in Nieves. The brightness of the sun is very low, not only because of the latitude of the place and its climate, but also the clouds keep on hiding it from above.

This place is cool. It’s literally cool actually. The frost is everywhere.

“Ina, gaano tayo katagal dito?”

“Just a night and two days,” she simply said.

“Pero, Ina. I’m a student. Ayokong humabol sa two days na absent ako.”

“You’re complaining already. Kakarating palang natin, pag-uwi na agad ang nasa isip mo. This is the time na makakapaglibot ka aside from school and our palace. Hindi pwedeng doon nalang umikot ang mundo mo.”

“Buong bakasyon akong naglibot kahit saan, still carrying all my duties. Hindi ko sinasabing ayaw ko rito. Ang sa’kin lang ay wrong timing ito masyado. I’m am well-organized about my tasks. You ruined my schedule.”

“Seems like someone should get out of this car alone in the middle of the road. What do you think, Zoren?”

“Nice idea, Ma’am. He might enjoy the snow outside, even at the side of the road. I’m sure sobrang boring talaga ang byahe sa tagal po nating nandito.”

Aba nga naman. Subukan mong magpababa ng isang prinsipe.

Nasaan ba kalsada dito? Pagkatanaw ko sa ibaba, I just see little marks of the fading cement road. Yeah, he’s right. I might enjoy the frost pero baka sa una lang ako masisiyahan. Kahit pa yata mag-gloves ako, mararamdaman ko pa rin ang matinging lamig sa aking kamay na magdudulot ng pamumula. ‘Di ko sinasabing may allergy ako sa snow, matindi lang magreact ang balat ko sa mga bagay na hindi ko masyadong nahahawakan.

Narinig ko muna ang paghalakhak ni Ina bago ako magsuot ng earphones. Tumunog ang kantang ‘Yellow’ ng Coldplay. Sabay sa malumanay na kanta at lumbay na sa’kin ay pinapadama, tamang-tama sa lamig ng temperatura pagsesenti ko sa loob ng kotse. Napapikit ako at isinandal ang sentido sa bintana. Gusto ko sanang makatulog muna kaso...

“Here we are,” Zacheus anounced.

I quickly opened my eyes. Sa wakas, makakawala na rin ako sa byaheng ito na ilang oras na akong nakakulong. My eyes are bit watery due to my sleepiness. Kunot noo akong lumabas ng sasakyan habang dinadaluhan ng sangkaterbang bodyguards. I took all of my things in a mallet and a backpack. Tingin ko’y sapat na iyon sa tagal namin ditong bibisita. 

Bumungad sa amin ang malaking hall ng kanilang palasyo na kayang kumonsyumo ng libong tao. Even from the smallest things are designed very detailed and complicated. Pillars, floors, painting frames, and even the fleur-de-lis pattern design on the walls are made of silver and gold! The enormous paintings are hanging proudly with the portraits of Nieves’ royal legacy after legacy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Cold WindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon