Chapter 12

878 23 6
                                    

A/N: dahil sa maraming nagbabasa nito ay mag UUD ako. At isa pang dahilan dahil meron isang tao na gustong patayin ni nico pero sabi ko meron pa siyang silbi sa story kaya hindi siya mawawala na character.

Ashley's POV

Pagkatapos ng bakasyon ay naging busy naman ako sa pagtitrain sakin about sa mga business. Ayaw kasi ni kuya Tyron ang maging business owner kay siya naging model. Kaya wala akong time na bisitahin man lang si Annie.

Pasukan na. Ang saya ko at makikita ko na ulit si Annie kaya naghintay ako sa kanyang locker. Malapit ng magbell pero wala parin siya. Kaya sinubukan ko ang library kung saan siya pumupunta minsan pero wala rin at tumungo na ang bell na hindi ko parin siya nakikita. Ilang araw din ang nakalipag at napansin ko rin na wala na rin si Nico. Nawalan din ako ng time para magtanong sa faculty kaya kung ano na ang pinag iisip ko . Wag mong sabihin na ...gosh... nagtanan silang dalwa. Wag naman sana :(.

Pumunta ako sa faculty room para matanong si Dok Akira pero absent siya noong araw na iyon kaya yung ibang teacher na lang ang tinanong ko. Nagulat na lang ako ng malaman ko na nagtransfer na pala siya at hindi rin nila alam kung saan ito. Ganon din si Nico.

Ilang taon na rin ang nakakalipas dahil si Annie lang ang aking minahal ay hindi na rin ako nagkajowa pa. Kahit na maraming nanliligaw sakin sa UNI namin. Naging busy na lang ako sa business at school. Madalas ay iisa na lang ang aking routine magmula noon. kung hindi school at bahay, business naman at bahay lang ang nating routin ko.

Minsan din akong sumasama sa mga kaibigan ko.

"Ash sama ka mamaya, hindi ka na kasi sumama eh" pagputol ng train of thoughs ko ni margaret. Siya lang naman ang kaibigan ko na may alam na naging kami ni Annie bago siya nawala.

"Sure ba, saan ba tayo" tanong ko sa kanya. wala rin naman akong gagawin sa bahay mamaya kaya sasama na lang ako. Pero sa kasamaang palad ay merong nangyari don sa student council kaya hindi rin ako nakasama sa kanila. Gabi na rin ng matapos ang pag aayos namin sa accounting dahil sa hindi magtugma ang mga nagastos at yung nasa listahan nila.

Kakapagod talaga kaya dumaan muna ako sa usually na bar na pinupuntahan ko. Lumapit ako sa counter at omorder ng usually na drink. Habang umiinom ako ay meron akong nakitang lalaki . Parang si Nico yun ha pero sino yung kasama niyang guy. ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sinundan ko siya. Lumabas na sila ng bar at dumeritso sila sa isang madilim na eskenita na malapit din sa bar. Dahan dahan akong nagtago nong huminto sila. Nagulat akong noong biglang halikan ni Nico yung guy at gumanti naman yung isang guys.Takte bigla tuloy akong namula sa aking nakikita. Nakita ko rin na nag eexplore yung kamay nila sa isa't isa. Dahan dahan na binubuksan nang guy yung pants ni NIco. Ayaw ko na sana silang istorbohin at napagpasyahang umalis. Putik naman o hindi ko nakita yung isang lata sa dinadaanan ko dahilan na para makalikha ng isang inggay.

"sino yun?" sabi ng isa sa kanila. dahil sa kinakabahan ay lumabas ako sa kinatataguan ko. Lumaki ang mga mata ni Nico dahil sa pagkabigla noong nakita niya kung sino yung lumabas sa shadow.

"Hi" yun lang ang nasabi ko dahil sa siguro sa sobrang pagkahiya at wala rin naman akong alam na sasabihin sa kanila. Bumolong si Nico don sa lalaki at tumango lang ito. Nagulat ako ng bigla na lang akong hilain ni NIco pabalik sa bar. Pumasok kami sa isa sa mga VIP room nila. Naging awkward dahil sa walng nagsasalita sa aming dalwa. "Kumusta ka na pala?" pagbasag niya ng katahimik naming dalwa.

"ito busy sa business at school ikaw musta na rin... wala na kasi kaming balita sa inyo ni Annie pagkatapos nong vacation na magkakasama tayo" sabi ko sa kanya pero tumigil siya sa pag inom ng alak ng marinig niya ang pangalang ni Annie.

"Annie... pero yun din ang huling nakasama ko din siya" nico. Naikwento niya sakin na nalaman nila na bakla siya kaya pinasok siya ng kanyang dad sa military. Pinakita lang niya na parang nagbago siya para bumalik dito sa pinas at yung guy na kasama niya kanina ay current jowa daw niiya. NAgkwentohan din kami kung ano daw ang mga nangyari noong nawala siya. Of course na ikwento ko rin yung sabay silang nawala ni Annie at walng ibang tao ang nakaakalam kung nasan sila. Naikwento ko rin ang nangyari at biglang pagkawala nila dok akira. Nalaman ko rin kay kuya na magkasintahan pala silang dalawa ni margaret na kinabulat namn ng baklitang ito.

Simula nong gabing iyon ay lagi na kaming nagkikita ni nico. nsabi niya kasing nag aaral din siya sa school na pinapasokan ko ngayon. pero sa ibang department lang siya kaya hindi kami nagkikita. Pinakilala niya din ako ng maayos don sa jowa niya.

Hindi ko alam na ganon pala kasaya kasama yun ngayon na nalaman ko ang totoong siya.

"girl, kailangan ko ng tulong mo" hingal na sabi ni MArgaret sakin mukhang kagagaling lang niya kung saan.

"what's the matter?"

" pwede ka bang mag volunteer today " margaret

" para saan naman yun" walang interest kong sabi dito

" para sa mga btang may cancer....please..... short kasi ako ng suff sa event na ito" margaret

"Sure" pumayag din ako sa huli dahil sa pangungulit niya.

Saturday non at nag aayos ako ng mga table at mga chair sa event nitong si margaret nang may mapansin akong isang babaing naka wheelchair. napakapayat nito at nakasuot ng beanie cap. Nakatitig lang ito sa labas ng bintana at haltang malalim ang iniisip.lumapit ako dito nagulat siya noong nakita niya ako at ganon din ako. Si Annie yung babaing naka upo sa wheelchair. hindi ko na napigilang mapaluha pa dahil nasa harapan ko na ang babaing matagal ng hinahanap ng aking puso.

itutuloy.............

#mczurick90

10/24/2014

Nerd in Disguise (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon