Kabadong-kabado ngayon si Sienna, hindi malaman kung anong iisipin. She inhaled deeply again. Ilang beses na niyang sinubukang pakalmahin ang kanyang sarili ngunit tila wala iyong silbi bagkos, lalo lang pawang sinisilihan ang kanyang pang-upo dahil sa labis na kaba na kanyang nadarama ngayon.
She was at Horecois Industries main building. Kaka-graduate lamang niya mula sa University at ngayon, sinubukan niya ang kanyang suwerte na pasukin ang isa sa pinakatanyang na korporasyon hindi lang sa bansa, maging sa buong Asya.
She was applying for the secretarial position. Hindi niya sigurado kung matatanggap siya pagkat ang karamihan sa mga kasabayan niyang nag-apply roon ngayon ay hindi lang basta nakapagtapos lang ng kolehiyo, ang iba ay may mga masteral degree pa. Aminado siyang sa kanilang batch, siya ang may pinaka-maliit na tsansang makapasok.
Napapikit siya at muling huminga nang malalim, taimtim na nagdarasal na sana ay makuha siya roon. Katunayan, kung aalukin siya ngayon ng kahit sino roon ng kahit pinakamababa pang posisyon ay handa siyang tanggapin. Ganoon siya kadesperadong makuha ngayon ng kompanyang iyon.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga She was getting more and more exasperated as the time passed. Desperado na siyang makausap ang mag-i-interview sa kanya dahil hindi na talaga siya mapakali at lalo lang nadaragdagan ang nadarama niyang kaba habang patagal nang patagal ang kanyang paghihintay roon.
Buong buhay ni Sienna, pinangarap niyang magkaroon ng sariling identy. Magkaroon ng sariling pamamaraan sa kanyang sariling buhay. She was the oldest daughter of the Marchioness Royal of Lemmings State, a niece to the Queen of Flademia. In short, she lived in a quite comfortable environment all her life. Too comfortable for her to sometimes feel uncomfortable. Minsan-madalas, nasasakal na siya.
Her mother, the Marchioness, just loved her so much to the point the she was too overprotective of raising her. Hindi siya bulag para makita iyon habang tumatanda siya. It was just that, she didn't have the heart to tell her mother that sometimes, she was being too much. Masyado siya nitong pinrotektahan sa mundong batid niyang wala namang gagawin upang masaktan siya.
She totally understood her mother. Kaya lang talagang sobra na ito kung minsan. Hindi niya maintidihan kung bakit ito ganoon sa kanya. Of course, she tried asking her mother why. Ang sabi lamang nito sa kanya, grabe ang hirap na dinanas nito bago siya ipinanganak.
Matagal at mahabang proseso ang pinagdaanan nito maisilang lamang siyang ligtas at malusog sa mundo. Tinanong niya ito kung anong ibig sabihin nito roon ngunit hindi na siya nito pinaliwanagan pa bagkos, tumango na lamang at siya piniling pansamantalang makuntento sa paliwanag nitong iyon sa kanya.
Sienna loved her family more than anything in the world. Specially her mother. May konekyon silang dalawang walang sino man sa mundo ang kayang makaintidi. Even though she had no idea what her mother went through to treat her like that, she obeyed her and everything she said. Batid naman niyang ikabubuti lamang niya ang hangad ng kanyang ina.
But sometimes, Sienna felt like she can't breathe knowing that there was not enough space for her to move freely. Her mother's overwhelming love for her was to much to bear. Maraming pagkakataon sa buhay niya ang pinalampas niyang mangyari dahil lamang hindi siya nito hinayaan gawin niya ang kanyang mga nais.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 9: Sienna Jane
RomanceHer innocence, naivety and pure heart that led her to a very delusional, deceitful thing called love.