Part 2

6.2K 172 9
                                    

"HOW MUCH, Miss Enriquez? One million, two million o baka naman five million ang kailangan mo para lang mangyari ang hinihingi ko?"

Nasa loob na sila ngayon ng pribadong opisina ni Jenna. At tama nga siyang papasukin ito doon kahit na nga ba ito ang kauna-unahang tao na nakipag-usap sa kanya ng ganoon. Ramdam niya ang pagsubo ng kanyang dugo. Hindi lang ubod ng suplado ang lalaki, nuknukan pa sa kaarogantehan.

Pero pinanatili niya ang control. Hindi siya papayag na ang mayabang na lalaking kaharap ang sisira sa kanyang poise. Ni wala rin siyang balak na makipagtagisan dito ng tapang. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang ganoon ang dapat na gawin.

Minsan, higit na epektibo ang kabaligtaran niyon.

"Napakarami mong pera kung handa kang magbayad, Mister—" walang kasinglumanay ang tono niya.

"Jaime dela Merced," may ere pa ring pakilala nito. "Magkapatid kami ni Mary Grace sa ina. Anak siya ng pangalawang asawa ng mama ko."

Napatango siya. "Mister dela Merced, as I was saying, napakarami mong pera—"

"Kahit buong kayamanan ko ay handa kong ubusin para lang huwag masira ang kinabukasan ng kapatid ko," putol nito sa sasabihin niya, at sa kauna-unahang pagkakataon sa paghaharapa nilang iyon, ramdam na ramdam niya ang biglang pagbabago ng tinig nito. Bagaman nasa timbre pa rin nito ang kakaibang tigas, hindi rin maikakaila na nabahiran iyon ng labis na concern para sa kapatid nito.

Pero hindi rin niya kinalimutan na ang gusto nitong ipagawa sa kanya ay mangangahulugan ng pagtaya ng kredibilidad ng mismong negosyo niya at ng personalidad niya mismo.

"Magkano, Miss Enriquez?" untag nito sa kanya.

"Hindi lahat ng bagay ay may katapat na halaga, Mister dela Merced."

"Call me Jaime," bigla ay putol nito sa kanya.

"Then call me Jenna," kaswal na wika niya at nagpatuloy. "Nakakalula ang mga halagang binanggit mo. My business is doing fine. Pero magkaroon ng alok na kagaya ng sa iyo ay ibang usapan. Meaning, I could be many millions richer if I would want it. At ni hindi ako pagpapawisan. Kahit saang bagay, mas madaling manira kaysa mag-buo."

"Name your price," tila inip na sabi nito.

"I'm so sorry, Jaime. Pero hindi rin naman ako basta-basta nasisilaw sa salapi. Her wedding is set," seryososng sabi niya. "May kontrata kaming pinanghahawakan. Proteksyon namin iyon sa bawat isa."

Nagsalubong ang kilay nito at nagtagis ang mga bagang. May sandaling kinabahan din siya. Tila may taglay na panganib ang lalaking kaharap. Pero ipinaalala niya sa sariling wala siyang dapat ikatakot. Naninindigan lang siya sa katwiran niya.

"Ilang beses mo nang nakaharap si Mary Grace?" tanong nito mayamaya sa tinig na kataka-takang mababa.

"Hindi ko na mabilang. I met her last month. Kasama niya dito ang isang kaibigan niyang ako rin ang humawak ng kasal few months ago. Gusto ni Mary Grace na makasal before the end of this year. I suggested the months of October and November since December is also a busy month for weddings. We checked the hotels and churches. Punuan na ang schedule for December kaya kahit na gusto sanang ipilit ni Mary Grace na December din magpakasal, nag-decide na siya na gawing October ang kasal nila."

"Do you know how old she is?"

"Nineteen," mabilis na sagot niya. "And her fiance, Jason is twenty-seven years old. Ako rin ang nag-ayos ng marriage license nila. May pirma ng mama ninyo para sa parental consent ni Mary Grace na magpakasal. In fact, I met Mrs. Divina Plamenco twice already. Dapat nga sana ay kasama rin si Mrs. Plamenco sa pagpunta dito noong isang linggo na nagpirmahan kami ng kontrata pero sabi ni Mary Grace ay nagtungo sa Bangkok ang mama ninyo."

Wedding Girls Series 13 - JENNA - Another Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon