I Just Want To Make It Right

515 18 23
                                    

"Uhm.. B-be--break na. . .tayo." sabi ko sa'yo habang kinukutkot ko ang daliri ko. Parang ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko.

 

 

 

 

 

"Oh, sige. Ikaw bahala." tugon mo at tumawid na ng kalsada.

Tiningnan ko ang likod mong papalayo.

Masayahin kang tao pero sa pagkakataong eto ay bakas sa iyong mukha na nasasaktan ka.

Nasasaktan ka nga ba?

Tatlong buwan.

Tatlong buwan sa relasyon nating 'to na laman ng isip ko ay pagdududa. Isip bata ka at ang alam mo lang ay maglaro. Maglaro ng DOTA, manood at subaybayan ang Naruto, makipagpaligsahan sa Ran. Wala nang oras para sa 'kin.

At nang nagka-oras naman na lumayo ka sa computer, iba naman ang kasama mo. Pinili mong makipagsaya sa kanila, sa kanya. Hinayaan mong tawagin niya akong "mang-aagaw"na sa akin ka naman talaga. . . Akin ka nga ba sa tatlong buwan na iyon?

Tanging hiling ko lang naman ay pagtuunan mo ako ng pansin at gawin mo akong bestfriend mo. Sabihin mo kung ano ang mali. Pero nanatili ka sa protective shell mo. Ayaw mo akong papasukin. Mahal mo naman ako diba?

Mahal mo nga ba ako?

Sa tatlong buwan na 'yun, alam kong hindi pa talaga kita lubusang kilala pero sumugal ako. Binigay ko sa'yo ang puso ko. Pero natakot ako. Natakot ako na kapag tumagal pa ito, hindi lang siya mahati sa dalawa, madurog pa.

Sa kabilang banda, alam kong may mali din ako. Nagkulang ako. Paki-usap sana'y sabihin mo na lang sa akin.

Patuloy ka sa paglayo. Piping hiling ko na lumingon ka. Sinubukan ko lang naman 'yun at iniisip na babalik ka, pipigilan mo ako, pipilitin mong huwag tayong maghiwalay, sasabihin mong mahal mo ako. Mahal mo ako for real. Pero wala. Umalis ka. Sumuko.

Ganito na lang ba? Ganito na lang ba tayo magtatapos? Aalis ka na lang at hindi ako pipigilan?

Tatanggapin naman kita kung babalik ka eh.

Hihintayin kita. Magkikita pa tayong muli. . . Itaga mo yan sa semento ng kalsadang 'to.

==

A/N: Hi! Thanks for dropping by! I intend to make a short story. This is actually half-fiction half-non-fiction. Chos! Meron ba 'nun? Wahehe. Basta. Ewan. Nalulungkot ako habang tina-type ko 'to. I-feel kuno ang bida. XD

Hope you could share to me your insights about this. Comment, pretty please?

Ay tsaka dedicated pala ito kay Kaycee a.k.a. prettychq18. Sa kanya ako na-inspire na isulat ang aking napagdaanan at gawan ng nais kong ending.HAHA.

Maraming salamat. ^____^

-dyuna-

I Just Want To Make It RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon