1.
"Jan? Jan? Janna?"
Nagising ako sa mahinang tawag at tapik ng college friend ko at ngayo'y housemate ko na si Bernadette. Umunat ako at nag-ayos ng upo. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa study table ko sa pagko-compute ng budget ko para sa next month. Midterms na ng kapatid ko kaya dapat makapag-padala na ako.
"Det, anong oras na ba?" papungas-pungas kong tanong. Masama ata panaginip ko kanina, 'di ko lang matandaan. Pwede naman yun diba? Managinip pero di matandaan pagkagising. Ewan. Masama ata, kasi paggising ko, parang nalungkot ako.
"Mag-e-eight pa lang naman. Kumain ka na?"
"Nag-merienda na ako kanina pagdating ko." Friday kasi ngayon at mga 5pm akong umuwi kanina.
Apat kaming naghahati-hati sa renta ng apartment. Kasama namin si Jasmin na pinsan na Bernadette na nagtatrabaho sa isang publishing company, writer ata. At si Rica na katrabaho namin, nasa Marketing Department siya. Kami naman ni Bernadette ay parehong nasa Financial Department.
"Sama ka? Bar kami ngayon?" Napansin ko nga na naka-porma siya ngayon.
Friday night out! How could I forget!
Kagigising ko lang at katatamad pa mag-asikaso. Masakit pa puson ko. Meron ata ako eh. Haaaayy.
"Kayo na muna." Tumayo ako at lumipat ng upo sa kama ko.
Dalawa lang nag kwarto sa munti naming apartment at kami ni Rica ang roommate. Pero tig-iisa kami ng single bed.
"Sure ka?"
Tumango ako.
"Oh sige, 'kaw bahala." Umalis na siya at sinara ang pinto. "Mag-lock ka ah!"
Oh sige, 'kaw bahala.
Oh sige, 'kaw bahala.
Oh sige, 'kaw bahala.
Oh sige, 'kaw bahala.
Na-stuck ako sa linyang 'yan ni Bernadette. Simpleng sentence lang naman 'yan ah! Ba't paulit-ulit ka? Unli lang? Bagong register teh? Sana 'yung "ang ganda mo na lang" sentence ang nagpa-unli eh.
OO na! Ako na ang bahala!
Hay.
Ang bitter ko lang eh.
Seven years na ang lumipas. Pero parang kahapon lang yang 'ako na ang bahala' eh!
Baka eto nanaman napanaginipan ko kanina kaya parang biglang ang lungkot.
Kabaradli!
Naiinis na ako sa sarili ko.
Pitong taon na eh. Pitong taon na pero eto nagsisisi pa rin ako at hinihiling na sana bumalik siya nang maitama ko naman ang mali ko.
Oo na. Inaamin ko nang ako na ang mali. Hindi ko siya binigyan ng space at time before sabihin ang makapagbagbagdamdamin kong speech.
Tama ba ako? O mali? Sa tingin niyo?
Mahirap umaming may mali ako na sa una pa lang, nasaktan din ako. Pero may mali talaga ako bilang babae eh!
Ako na. Ako na ang nakikipagtalo sa sarili.
Haaayy.
Puro ako buntong-hininga ah.
Tumayo na muna ako sa kama at kumuha ng gatas. Di din naman ako makakatulog. Kaka-gising ko lang eh.
Chineck ko ang buong bahay kung naka-securely locked. At nung okay na, umupo ako sa couch.
Magtatatlong taon narin ako dito sa Manila at iniwan ko ang pamilya ko sa probinsya. Hindi ako mayaman kaya wala kaming sariling kompanya na mamanahin. Empleyado lang ako. Pero okay lang, kasya naman para sa pang-araw-araw ko at nakakatulong naman ako sa pamilya ko sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera. Buti nalang talaga nakita ko agad si Bernadette nang bagong pasok ako sa pinagtatrabahuan namin ngayongisang textile company sa Malabon. May nalipatan akong mura ang renta at mas malapit sa opisina at yun nga ang apartment na tinitirhan namin ngayon. Wala naman akong problema sa mga housemate ko kasi halos magkatugma naman mga ugali namin.
Oo, gusto kong bumalik ang first love ko at tanging lalaking may hawak ng korona sa pagiging ex ko. Pero siyempre nagpapatuloy pa rin ako sa buhay. Hindi ko naman pinipilit ang sarili kong mag move-on matapos ang nangyari seven years ago.
Hindi ako manhid. Nagmamahal lang. Echosera pa. Haha.
Haaayyy naku Janna! Chorva ka. :/
Ano nga ba ang nangyari seven years ago?
If I could only turn back time. . . .
==
A/N: yowwnn.
Frustrations ko lang talaga 'to kaya short story lang.
I-uupdate ko 'to as dalas as I can. (Kunyare may avid reader ako.. mwahahaha XD )
Tsaka sinali ko na dito mga praning na babae na laging kaagawan ko sa lalaki. Ang Virus Babes na nagkakalat. Hahaha..
Dedicated sa'yo 'to mareng Dette.. Salamat sa cover. Aylabsyoww..
(kilig ka naman?? XDD )
Feel free to comment.. :)
-dyuna-