She

12 0 0
                                    

Alas-otso ng gabi sinimulan kong bumangon sa hindi kalambutan kong kutson. Niligpit ko ang pinag-higaan ko tsaka di sinsadyang napasulyap ako sa labas at nakapikit nalang akong napasuklay sa buhok ko.

'Eto na naman, gabi na naman'

Nilinis ko ang katawan ko upang kahit papaano'y malinis akong papasok sa trabaho ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay sakto namang may malakas na katok akong narinig sa pintuan kong konti nalang ay magigiba na.

"Hoy Harlot! Kung hindi ka pa bumabangon ala eh bumangon ka na diyan!" isang matinis na boses ang nagsalita sa likod ng pinto.

"Kanina pa ho ako nakabangon tiyang" sagot ko at humarap sa salamin.

"Ohsiya bilisan mo diyan!" hindi ko nalamang siya sinagot at tinignan ang sariling repleksiyon sa salamin. Sinundan ko ang kurbang hugis ng aking hubad na katawan. Hindi naman sa pagmamayabang pero meron akong makinis at magandang hubog ng katawan at morenang kulay ng balat, malulusog din ang aking hinaharap at ang aking mg mata ay mahahalintulad sa kulay ng kape, matangos ang aking ilong at may mapupulang labi. Hinagod ko ang aking hanggang beywang na buhok at ipinantakip saaking hubad na dibdib. Muli ay pinagmasdan ko ang katawan kong walang saplot.

'Ang katawang ito ang bumubuhay saakin'

Sa isang tulad ko na wala ng katuwang sa buhay, isang babaeng inabandona ng sariling magulang, isang babaeng natutong mabuhay ng mag-isa, isang babaeng nagawi sa maling landas.

Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko at ng kapkapin ko ito...umiiyak na ko. Agad ko itong pinunasan at kaagad na nagbihis. Naglagay ng makapal na kolorete sa mukha at napaka pulang lipstick. Nang matapos ako ay lumabas na ko at kinandado ang bahay.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saakin. Nakatira ako sa isang makitid na daan dito sa Tondo, Maynila, maliit na bahay na tama lang para pagtulugan at pagkainan ko.

Ako si Harlot Magdalene, 18 taong gulang, at ito ang kuwento ko.

***

"Harlot magbihis ka na diyan at ikaw na ang susunod duon." isang tango lang ang sinagot ko sa boss namin ng isa-isa niya kaming sinisiyasat upang masiguradong handa na kami.

Isinuot ko ang damit na pang-itaas na tanging dibdib ko lamang ang natatakpan at ang pang-ibaba na tanging ang pinaka-iingatan kong kayamanan ang natatakpan, sinuot ko na rin ang napakataas na pulang takong na lagi kong sinusuot sa tuwing ako na ang nagtatanghal.

"Harlot! Ikaw na!" muli ay tinignan ko ang repleksiyon ko sasalamin.

'Napaka-ganda ko' ngunit sa tuwing suot ko ang damit na ito, pakiramdam ko ay pumapangit ang imahe ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa salamin at pumwesto na sa harap ng kurtina. Pagbukas nito ay hiyawan agad ng mga tao ang sumalubong saakin. Humarap ako upang salubungin sila, umakyat ako sa entablado at kita nila ngayon ang katawan ko na konti lamang ang saplot.

Tanggap ko ang pandidiring tingin ng mga ibang tao saakin, tanggap ko ang mapang-uyam na tingin saakin ng mga nasa paligid ko, tanggap ko ang mga masasakit na salita na naririnig ko. Wala akong pakialam sa mga iyan. Hindi sila ang nasa posisyon ko at kahit kailan hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko, manghusga sila hanggang mawalan sila ng boses, ang saakin lang ay hangga't wala akong tinatapakang tao, hanggat wala akong inaagrabyado, mananatiling malinis ang puri at dignidad ko.

Makulay na ilaw, usok ng sigarilyo at halimuyak ng mga alak ang tanging makikita at maamoy mo sa loob ng lugar na ito. Sinimulan ko ng gumiling sa harap ng maraming tao, isang mapang akit na galaw, kaya naman lalo silang naghiyawan. Tuwang-tuwa sila habang ako diring-diri na. Hindi ko gusto ang ginagawa ko. Kahit sinong tao hindi gugustuhin mapunta sa posisyon ko.. Gumigiling na kakapiranggot lang ang suot sa harap ng maraming tao. Pinagpi-piyestahan at pinagnanasahan ng lahat ang katawan ko, at hindi yun maganda sa pakiramdam. Ang isang minor de edad na katulad ko ay dapat na nasa paaralan at nag-aaral, ngunit wala eh.. Kapag wala kang pera wala kang magagawa kundi kumapit sa patalim para lamang maitguyod ang sarili.

The Virgin Harlot Where stories live. Discover now