Scrapbook <3

178 7 5
                                    

Mahirap,kapag alam kong dapat mo ng palayain ang isang tao pero ayaw mo kasi masasaktan ka.

Katangahan diba ? Hindi na nga masaya ang isang tao sayo, pinipilit mo pa rin yung sarili mo.

Ano ba kasi ang meron ? At ayaw mo syang palayain ?

Ako si Katrina Bianne Torres.16 years old.May boyfriend ako, si Tyrone Blake Fajardo.10 months na kami.Wala na akong mahihiling pa sa kanya.Gwapo,mayaman,mabait, at MVP ng school.Every monthsary namin,lagi syang may surprise sa akin.

Pero dumating yung panahon, na sobrang cold na nya sa akin.

" Hi Babe! Monthsary na natin bukas diba ? Saan tayo magde-date ? " tanong ko sa kanya syempre may kasamang lambing.Namimiss ko na rin kasi sya.1 week ko syang di nakita kasi nag vacation sila ng family nya sa Subic.

" Ikaw bahala Kat.. "

KAT ?

Tama ba yung narinig ko ? KAT tinawag nya sa akin at hindi Babe :((

" Alam kong pagod ka lang Babe kaya ka cold sa akin.Sige uwi na ako.Para makapag-pahinga ka.Balik na lang ako dito bukas ha.Advance Happy Monthsary babe ko.Mwaaah " sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.

" Wag.Magkita na lang tayo sa MOA bukas.Ite-text na lang kita. " sabi nya pero hindi sya nakatingin sa akin :(

Umuwi na ako.Medyo dissapointed ako :( Wala ako sa sarili ko habang naglalakad.Ewan ko ba.Affected ako sa pagiging cold sa akin ni Tyrone.Bakit kaya ? Wala naman akong nagawang mali..

Umupo muna ako sa bench na malapit sa park.Dito lang din yan sa village nina Tyrone.Actually malapit lang talaga to sa kanila.Kita ko pa nga yung bahay nila Babe eh.

Bigla na lang may dumaan na magandang babae sa harapan ko.Bago lang ata sya dito? Ngayon ko lang din sya nakita eh.Mga 1 taon ang tanda nya sa akin.Ka edad nya si Tyrone.Sinundan ko ng tingin yung babae.

O____O

Doon kasi sya pumasok sa bahay nila Babe.Sino kaya yun? Kilala ko na yung mga relatives ni Babe eh.Hindi ko pa yun nakita.Hmm baka bisita ng mommy nya? Or inaanak diba?

 " Itatanong ko na lang kay Babe bukas,tutal magkikita rin naman kami eh. "  sabi ko sa sarili ko.

Umuwi na ako.Pagdating ko sa bahay nandun pala sina mama, papa, at kuya.Woah ? Kumpleto? Anong meron?

" Hi mama.Hi papa.Hi kuya.Late ba ako umuwi? Sorry galing kasi ako kina Tyrone.Kakauwi lang nila galing Subic.Binisita ko sya. " sabi ko at umupo sa tabi ni Kuya.

" Anak.. kailan mo ba sasabihin kay Tyrone ang tungkol sa---"

" Bukas ma.Monthsary namin bukas at magkikita kami.Dun ko na lang sasabihin sa kanya. "

" Siguraduhin mo Katkat.Hindi habang buhay mo yan matatago. "

" I know right.Walang sikretong di nabubunyag. " sabi ko at ngumiti sa kanila.

" Ma,pa,kuya akyat muna ako ha.May gagawin pa akong letter para kay Tyrone.Bababa na lang po ako pag dinner time na. " sabi ko at tuluyan ng umakyat sa kwarto.

Iniiwasan ko yung topic ni mama kanina.Ayoko yun pag-usapan.Masaya ako ngayon.Pero parang kailangan ko sabihin din kay Tyrone.Unfair din sa kanya pag may tinatago pala akong sikreto.

Buong gabi ginawa ko yung surprise ko kay Babe bukas.Gumawa rin ako ng scrapbook.Nilagay ko yung mga funny pictures namin,yung mga sweet moments,tsaka yung sa prom last year.Naaliw ako sa paggawa ng mga designs di ko namamalayan 12 AM na pala O_O

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon