Bakit siya pa, bakit hindi ako?
Ako yong laging nasa tabi mo, bakit hindi ako?
Kulang pa ba ako, bakit hindi ako?
Kulang pa ba lahat ng ibinigay ko para sayo?Tingin ko'y hindi kana talaga mapupunta sakin,
Mahirap man aminin ngunit nadarama kong wala na,
Ang pagtingin mo'y nasa iba na at wala sakin,
Ang pag-irog ko'y unti unti ko nang binibitawan.