Dear Ayesha,
Maylabs balak nga pala naming pumasyal sayo dyan sa ospital. Dami talagang nagmamahal sayo ayesha. Ang bait mo kasi eh. Pero naisip ko na mauuna muna akong papasyal bago ang kaklase natin.
Gusto ko kasi tayo lang dalawa. Gusto kitang masolo hehe. Wag kang mag alala wala naman akong gagawing masama sayo noh. I respect you cause i love you hehe.
Okay kana kaya? Ba't di ka parin nagigising? Feeling coma ka din ano? O baka dahil yan sa anaesthesia na tinusok sayo hehe. Buti naman at okay na yung bayarin niyo.
Natatakot kasi ako ba baka ma short kayo sa babayaran. Kasi kung sakali, gagawa ako ng paraan para makakuha ng pera para sayo. Sweet ko no? Kilig kana nyan hehe
Maylabs. Pag nakabisita ako sayo gusto kong magpa picture kasama ka tapos ipopost ko sa Twitter. Madami na akong likers at papaiyakin ko mga fans ko hehe. Sasabihin ko gf kita haha. Joke lang maylabs. Di ko yon sasabihin pero seryoso ako sa sinabi ko na Mag pipicture tayong dalawa.
Balak ko din palang kausapin mama mo maylabs. Gusto kitang tulungan eh. Sana maging maayos kana. Sana magising ka na din.
Gusto na kitang makitang nakangiti habang naglalakad sa corridor maylabs
Yun lang maylabs mag re ready na ako kasi pupuntahan na kita sa Ospital. Kita nalang tayo maylabs
Ps. Sana magising ka habang nandun ako. Para swerte mo kasi nakakita ka ng orasan. Joke lang maylabs
Gwapong Orasan,
10:10 Naega Hosh
BINABASA MO ANG
Letters || Kwon Hoshi
Short Story[COMPLETED ||UNEDITED] (1.0 - 1.25) Dear Ayesha, I like you po. Kaso di ko masabi ng direkta kaya sasabihin ko nalang through letters habang wala ka Boy Next Door, 10:10 Hoshoshi. Naega Hosh♡ (2.0 - 2.25) Dear Hoshi, Tae Crush na ospi...