Tula ng Pag-ibig (chos!)

43 0 0
                                    

Minsan nakilala ko ang isang taong napaka ordinaryo. Malayo sakanya ang aking mga gusto, Ni sa isip di inakalang magkakagusto. Ngunit taong ito ay di sumuko Dinaan ako sa panalangin ng husto!

Hanggang sa puso ko ay nahulog ng tuluyan, At di nagtagal napamahal na. May nakitang katangiang sakanya'y kahanga-hanga Iyon ay ang unang pagmamahal sa Diyos na sakanya ay lumalang.

Dalangin ko lamang hindi siya magbago, At sa akin ay hindi mawalan ng gusto Nawa mga sumpa at pangako manatiling totoo.

Oh Mahal ko, panalangin ko, nawa ay si Hesus pa rin ang maging sentro ng ating pagmamahalang ito. Manatiling Sakanya ay maglingkod Na siyang naglikha sayo para sa akin..

Nang ikaw ay likhain, marahil ako ay iniisip Niya. Nang ikaw ay likhain, Pangarap at mithiin ay ngayo'y naging akin.

Mamahalin kita magpakailanman.

.

.

.

.

.

.

.

Naglilinis ako ng kwarto, at nakita ko ang mga napakarami kong papel papel. Nakita ko tong tula na nakasulat sa scratch paper..

Napangiti ako.. :) nag reminisce ng past.. haha

Naalala ko...sinulat ko nga pala tong tulang to para sa taong mahal ko. :)

Noon... ;(

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon