CHAPTER 1

12 2 0
                                    



-->> Sign In :
••/ Ate Queen /••



Kasalukuyan akong nandito ngayon sa school ng anak ko para sunduin siya. Para sabay na kaming maglunch at saka ko siya isasama sa trabaho ko. Mabuti nalang kamo at mabait ang Boss ko. Pumapayag silang dalhin ko ang anak ko sa trabaho. Hindi katulad sa dati kong trabaho. Ang sungit na ang hilig pa nila manakit.

"Mommy!! Mommy Ko!!!" rinig kung sigaw ng bebo kong anak na siyang nagpabalik sa kamalayan ko.


"Dahan-dahan Baby! Hindi mo kailangang tumakbo!" sigaw ko rin sa anak ko ng may pag-aalala. Baka kasi madapa. Ayaw ko magasgasan ang nag-iisang kayamanan ko.


Nandito lang kasi ako sa area kung saan pwede maghintay ang mga parents o guardian ng mga bata. Hindi kami pwedeng pumasok sa luob kung hindi kami pinapatawag para na rin sa safety ng mga bata. Nangyari na daw kasi noon ang kidnapan rito. Nagkunwari lang na guardian ng mga bata kaya ngayon strict na sila sa pamumuno nila. At favor naman yun sa akin kaya dito ko ipinasok ang anak ko kahit may kamahalan. Mabuti nalang kamo kahit papaano ay nakakaipon ako.


"Mano po Mom.." saad ng anak ko pagkalapit nito sa akin.


"Patnubayan ka ng Panginoon Baby." sagot ko rito.


"Baby, Huwag na huwag ka ng tatakbo sa susunod ha.. Baka madapa ka.. Di naman aalis si Mommy ehh.." saad ko rito pagkatapos kong yakapin.


"Yes po Mommy, sorry po Mommy kung pinag-aalala po kita. Hindi na po mauulit Mommy. Namimiss lang po kita Mommy ehh.." saad ng anak ko bago muling yumakap sa akin ng may paglalambing.

"Okay Baby, Pangako yan ha.."


"Yes po Mommy, Makakaasa ka po Mommy."


"Okay then, Tara na?"


"Okay po Mommy, Tara na po."

Umalis na kami ng anak at dumiretso sa restaurant na punagtrabahuan ko. Doon nalang kami kakain para hindi na hassle pa. Mahirap ma late sa trabaho. Nakakahiya sa Boss ko. Baka sabihin, umaabuso na ako.


Pagdating namin doon, nag order na kami ng makakain. Pagdating ng order, kumain na agad kami. Nasa kalagitnaan na kami ng may dumating na asungot. Hihi.. Huwag kayo maingay ha.. Na asungot ang tawag ko sa kanya, baka isumbong niyo ako. Mawawalan pa ako ng trabaho..



"Aba! Aba! Ang dadaya niyo ahh.. Bakit hindi kayo nag-anyaya na kakain na kayong dalawa?" saad ni Jacob Sy, kaibigan ko.


Nakilala ko siya, noong minsang muntikan nang ma snatch ang bag ko.




•••FLASBACK•••


Naglakad ako papuntang Star Mall nang biglang may humablot ng shoulder bag na dala ko. Kaya napasigaw ako sa gulat. Humingi ako ng tulong sa mga taong nakakita at madadaanan ng magnanakaw ngunit parang wala silang nakita o naririnig. Wala silang pakialam. O siguro takot nilang makikialam. Kaya wala akong nagawa kundi habulin ang magnanakaw habang sumisigaw pa din. Nagbabakasakaling may maawa at tumulong sa akin. Nandoon ang cellphone at pera ko na ipambili ko sana ng gatas para sa anak ko.


"Sandali!! Kuya!!!! Harangin niyo po!!!"

"Isnatcher po yan!!! Bag ko po yang dala² niya!!!"


"Pakiusap po!!! Pakiharang po!!!!"

"Pakiharang po ang lalaking yan!!!"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAGHIHINTAY AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon