Chapter One

78 7 7
                                    

Gangti Potato's POV

Ako si Gangti. Ako ang lider ng mga patatas na nanghihingi ng kalayaan. Ewan ko kung bakit ako yung binoto nila. Tulad ng class officers nyo, nabiktima lang din ako ng trip ng kapwa ko patatas. Hay nakooo. Nakaka-stress sila. Hindi sa pagmamayabang pero may lidersyip iskils talaga ako. Haha. Maganda ang hubog ko. Makinis ang balat. Wala masyadong kulubot at onti lang ang lupang bumabalot sakin. Kasama kasi ako  sa napili nilang gawing french fries sa Jollibee. Maselan sila dito. Gusto talaga nila yung may magagandang body statistics. Valid ka kung ang bs mo ay 5-5-5. Malayo pa ang processing time ko kaya eto ineenjoy ko ang buhay. Onting panahon na lang pipira-pirasuhin na nila ako. Oh myyyy, I'm scared. Brutal talaga ang mga tao. Pagkatapos kaming i-slice ng machine, iluloblob naman nila kami sa kumukulong mantika. Kawawa naman ang skin ko. Sayang ang mga sun protection ko, yung rejuvinating cream, yung bleaching cream at yung lotion ko na may SPF101. Pagkatapos kaming iprito, ang ngipin naman ng tao ang kalaban namin. Swerte ka pa kung sa nagtoothbrush ka napunta. Lagi akong tinatakot ni Mommy dati na kapag hindi daw ako nagpadilig, sa mabahong bunganga ako mapupunta. Parang impyerno yun dito. Heaven naman kapag ang taong nagtoothbrush ang kumain sayo. Minsan din, pinipilit nilang sumabit sa ngipin para humaba ang exposure nila at makapagsabi ng last will and testament  sa kapwa naming patatas. Ang motto namin kapag nasa ngipin ka na ay "Kapit Lang". Maiksi diba? Pero meaningful. Dahil jan, nasabi pa ng lolo ko kung kanino nya ipapamana yung lupa nya bago siya namatay. Buti na lang kay Mommy napunta yun. Sagana sa fertilizer ang lupa na yon at ligtas sa mga pesteng daga. Kaya ayun, maganda ang pagpapalaki sa akin. At ang worst part kapag itatae na kami. Binaboy nila ang buo naming pagkatao. Lahat ng paghihirap ng mga magulang ko sa pagpapalaki sakin ay guguho. May mga kasama na kami doon na kung ano-ano. Minsan may carrots, saging at kahit ink ng ballpen. Malamang aksidenteng nahigop yun nung sini-CPR nila yung ballpen. Kadiri talaga. Ang baho na namin. Ang matitindi pa dun, paagusin pa kami sa ilog na puro basura. Nasaan ang hustisya? Ngayon nyo sabihing pantay ang pagtingin nyo sa daigdig. Ngayon sabihin na wala kayong natatapakan sa buhay. Napaisip ka no? Ngayon mo lang naisip na nasasaktan din kami? Ngayon no lang pansin na minsan nag-eemo rin kami?

Potato ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon